PANOORIN: Ilang lugar sa Camarines Sur lubog sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

PANOORIN: Ilang lugar sa Camarines Sur lubog sa baha

PANOORIN: Ilang lugar sa Camarines Sur lubog sa baha

Ronilo Dagos,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lubog na sa baha ang ilang mga bayan sa Camarines Sur dahil sa walang tigil na pag-ulan mula pa kagabi dala ng Bagyong Enteng.

Bukod sa Naga City, may mga baha na rin sa mga bayan ng Baao, Minalabac, San Fernando, Balatan at  bayan ng Pili.

Sa San Roque, bayan ng Bombon,  rumagasa ang  baha sa kalsada at umapaw na ang spillway kaya hirap ang mga motorista na makadaan sa lugar.

Sa Pili Camsur, nagmistulang waterfalls ang pagpasok ng tubig sa isang bahay sa Barangay Palestina.

ADVERTISEMENT

Sa Balatan, hindi madaanan ang bahagi ng highway matapos umapaw ang tubig sa ilog kaya stranded ang mga motorista.

Samantala nagpaalala na rin ang Environment, Disaster Management and Emergency Response Office ng Camarines Sur sa lahat ng residente sa mga lugar na nanganganib sa baha, pagguho ng lupa, at iba pang mapanganib na epekto ng malakas na ulan na  pinapayuhan na lumikas sa mga itinalagang evacuation centers upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.

Sa pinakahuling update mula sa PAGASA, nasa ilalim ng typhoon signal 2 ang buong probinsya ng Camarines Sur.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.