Mga mag-asawang 50 taon nang kasal sa Nueva Vizcaya, tatanggap ng P50,000 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mag-asawang 50 taon nang kasal sa Nueva Vizcaya, tatanggap ng P50,000

ABS-CBN News,
Mina Trinidad
Published Jul 05, 2024 03:08 PM PHT

Sandy Millar/Unsplash

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva ang ordinansa na magbibigay ng P50,000 sa mga mag-asawang 50 taon o higit pang kasal.

Tinawag itong "Enduring Devotion Award" kung saan mabibigyan ng insentibo ang mga 5 dekada nang kasal o mahigit pa, gayundin ang mga katutubo o indigenous people na mapapatunayan ng mga elder ng kanilang tribo na nagsasamasa loob ng 50 o higit pa.

Kailangan lamang na maayos ang pagsasama at walang kaso tungkol sa violence against women and their children(VAWC), may 10 taon nang nakatira sa Nueva Vizcaya at walang planong maghiwalay sa pamamagitan ng annulment.

Dahil dito, kanya-kanyang hugot ng marriage certificate ang mga senior citizen sa Nueva Vizcaya mula sa kanilang baul.

ADVERTISEMENT
"Maganda itong nagawa ng gobyerno natin. Sana nga ipagpatuloy na itong ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan para marami namang makinabang," sabi ni Severo Domingo na 57 taon ng kasal sa kanyang misis na si Generosa Fabian-Domingo.

Inaaral na ang implementing rules and regulations ng ordinansang ito.