11 patay sa banggaan ng bus, truck sa Cagayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
11 patay sa banggaan ng bus, truck sa Cagayan

Harris Julio
Published Jul 11, 2024 10:44 AM PHT
|
Updated Jul 11, 2024 08:24 PM PHT

Labing-isa ang patay habang anim ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong bus at pickup truck sa national highway ng Barangay Lucban sa Abulug, Cagayan nitong Huwebes ng madaling-araw.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing sa lamay at pauwi na ang mga sakay ng pickup nang nangyari ang aksidente.

Palabas sa intersection ang pickup nang masalpok ng pampasaherong bus.

“Bigla kasi paglabas ng pickup kaya hindi napansin ng bus driver. Mabilis din ang takbo ng bus base dun sa damage,” sabi ni PSMS. Alexis Gipolio.

Sa lakas ng pagbangga, halos mawasak ang pickup na sumalpok pa sa isang establisyemento.

Nasawi ang 11 sakay ng pickup habang sugatan ang driver, dalawa pang pasahero pati ang isang natutulog sa nabanggang establisyemento.

Nasa ospital din ang driver ng bus na nabalian ng paa habang nagtamo ng minor injuries ang ilang pasahero.

Read More:
road accident
vehicular accident
aksidente
bus
pickup
patay
Abulug
Cagayan
regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT