ALAMIN: Mga karaniwang aksidente sa sasakyan at paano ito iiwasan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga karaniwang aksidente sa sasakyan at paano ito iiwasan

ALAMIN: Mga karaniwang aksidente sa sasakyan at paano ito iiwasan

ABS-CBN News

Clipboard

Nakaparada man o tumatakbo, isang maling tapak lang sa pedal o maling pihit ng sasakyan ay maaari nang maging sanhi ng pag-arangkada ng disgrasya.

Noong 2017, may 66 road crash incidents ang naitatala kada araw, ayon sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), na madalas umano ay bunsod ng human error o pagkakamali ng tao.

Magugunitang noong nakaraang buwan lang ay isang malaking vehicular accident ang nangyari sa isang mall sa Muntinlupa, na nag-iwan sa siyam katao na sugatan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang puting AUV ang umatras sa isang restoran sa isang mall noong Abril 18 at sumagasa sa mga kumakaing kostumer sa loob.

ADVERTISEMENT

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na napadiin umano ang tapak ng driver sa gasolina habang naka-reverse ang kaniyang gear stick kaya paatras na humarurot ang sasakyan.

Palagay ng driving expert na si Bert Suansing, maaaring nakalimutan ng driver na naka-reverse gear ang minamaneho.

"That's a normal reaction kung minsan sa drivers dahil gusto nila kaagad umarangkada. So dinidiinan nila 'yong accelerator, hindi niya alam na naka-engage pala sa reverse, hindi sa forward 'yong kaniyang transmission lever," sabi sa "Red Alert" ni Suansing.

Ipinapayo ni Suansing sa mga motoristang may sasakyang automatic ang transmission na alamin ang warning at safety system.

Kung aatras o magpa-park, mainam na dahan-dahan ang pagtapak sa gas.

ADVERTISEMENT

"Kapag nagre-reverse parking ka, minsan maraming nalilito. So akala nila, nakakambyo sa forward, 'yon pala sa reverse," ani Suansing, dating pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

"They should exercise prudence. Let's say for example, from park, huwag niyo kaagad apakan 'yong accelerator, pressing it hard, dahil magja-jumpstart 'yon," dagdag ni Suansing.

Tiyakin ding nasa tamang gear o kambyo bago patakbuhin ang sasakyan at iwasang magpatakbo nang mabilis.

"Obserbahan mo muna kung may tatamaan kang sasakyan," ani Suansing.

MOTORSIKLO, OVERTAKING

Kung panganib ang dulot ng maling pagkakamali sa pedal ng sasakyan, buhay din ang nalalagay sa peligro ng alanganing pag-overtake o pagnanais na unahan ang behikulong nasa harapan.

ADVERTISEMENT

Maling overtaking ang sanhi ng 7,879 kaso ng road crash accidents noong 2017, ayon sa tala ng PNP-HPG.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga nasawi dahil sa maling pag-overtake si Police Officer 2 Alvin Alperez.

Matapos ang kaniyang duty sa istasyon ng pulis sa Camarines Sur, nag-motorsiklo si Alperez pauwi ng Libon, Albay.

Tinangka ni Alperez na overtake-an ang isang truck pero kinapos ang pulis at sumalpok sa isang pasalubong na bus.

Sa kabuuang bilang ng road crash incidents noong 2017, pumapangalawa sa uri ng behikulong nasasangkot dito ang mga motorsiklo, ayon sa PNP-HPG.

ADVERTISEMENT

Mayroong 10,183 road crash incidents na naitala sangkot ang motor noong 2017, batay sa datos ng PNP-HPG.

Nanawagan naman si PNP-HPG director Chief Superintendent Arnel Escobal sa mga motorista na maging maingat sa pagbiyahe at magpanatili ng distansya sa ibang sasakyan, lalo iyong mga malalaki.

"Lalo kung kasabay mo ay trucks and buses. Usually 'di ka nila nakikita lalo kung nakatapat ka mismo sa driver," aniya.

"Once bigla kang nag-overtake, 'di ka nila napansin, maaaring masagi ka nila o masagasaan," babala ng pulis.

Kung may kasalubong umano sa kabilang lane at alanganin, huwag nang ituloy ang pag-overtake.

ADVERTISEMENT

"You must determine kung it is the right time to overtake or not. It is a judgment call of the rider or motorist," ani Escobal.

Ipinapayo rin ni Escobal na sundin at alamin ang iba't ibang uri ng road line. Maging mapagmatiyag din sa mga road sign.

May kahulugan ang iba't ibang uri ng road line gaya ng broken line na nangangahulugang puwedeng mag-overtake kung ligtas o walang kasalubong.

Ipinagbabawal naman ang pag-overtake sa magkabilang panig kapag double solid ang linya.

Dagdag pa ni Escobal, iwasan magpatakbo nang mabilis.

ADVERTISEMENT

"They should take special caution in operating motor vehicles," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.