FACT CHECK: ‘Di nagbuga ng lava ang Mt. Kanlaon noong Hunyo 3, 2024 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di nagbuga ng lava ang Mt. Kanlaon noong Hunyo 3, 2024

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jun 05, 2024 04:22 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:29 PM PHT

Hindi kuha sa Mt. Kanlaon sa Negros ang isang video na kumakalat sa social media na nagpapakita ng diumano’y pagbuga ng lava ng bulkan noong Hunyo 3, 2024. Ang video ay kuha sa Indonesia noong 2018.

Ang ilang mga uploaded na video sa social media ay pinatungan ng teksto tulad ng “Mt. CANLAON PUMUTOK.” Ipinost din ng Facebook page na “View of Canlaon” ang ilang mga screengrab ng video.

Sumabog ang Mt. Kanlaon sa loob ng anim na minuto at nagdulot ng pabuga ng abo noong Lunes ng gabi, Hunyo 3, ayon sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Hindi ito nagbuga ng lava.

Ang orihinal na video na ginamit sa kumakalat na social media post ay nagpapakita ng pagsabog ng Anak Krakatau volcano sa Indonesia. Ito ay inupload ni Martin Rietze sa YouTube noong Nobyembre 6, 2018. Sa caption ni Rietze sa nasabing video, mababasa ang “Anak Krakatau volcanic activity at night, 24.-26.Oct.2018. Eruptions filmed in real time, no timelapse!”

Mariing itinanggi ng Canlaon City Tourism Office ang kumakalat na video sa kanilang opisyal na Facebook page na “Salta Canlaon Turismo.” Ayon sa post, ang kasalukuyang aktibidad ng Mt. Kanlaon ay hindi katulad ng makikita sa nasabing video.

“FOR THE INFORMATION OF EVERYONE: Canlaon is not going through this. Remain calm, our local government units are working tirelessly to help anyone in need of immediate assistance. Please help us by reporting any incorrect information you come across.”

Binura na ng Facebook page na “View of Canlaon” ang mga nasabing screenshot. Ang post ay umabot sa mahigit 6,000 shares, 1,600 reactions, at 241 comments. Makikitang nag-comment din ang page sa post ng isang netizen na sumita sa mga pekeng post.

Samantala, hindi pa rin nabubura ang ilang mga video at screengrab na ipinost sa TikTok at Facebook.

Ang Mt. Kanlaon ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Ayon sa datos ng Phivolcs, huling pumutok ang Mt. Kanlaon noong Disyembre 20, 2017. Ang unang naitalang pagsabog ng bulkan ay noong 1866. Mula 1866 hanggang nitong Hunyo 3, 2024, 43 beses nang pumutok ang bulkan.

Sinabi ng Phivolcs noong Martes na posibleng sumabog muli ang bulkan sa kabila ng kasalukuyang paghupa ng aktibidad nito. Sa ngayon, patuloy ang pag monitor ng Phivolcs sa bulkan.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

Read More:
Mt. Kanlaon
Negros
fake videos
Indonesia
Phivolcs
disinformation
misinformation