Mga opisyal ng Porac, ginisa dahil sa iligal na POGO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga opisyal ng Porac, ginisa dahil sa iligal na POGO

Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2024 05:21 PM PHT
|
Updated Jun 14, 2024 07:22 PM PHT

(UPDATED) Nagngingitngit sa galit na humarap si Pampanga Vice Governor Lilia Pineda sa hearing na ipinatawag niya at ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga sa mga opisyal ng bayan ng Porac.

Ito ay kaugnay ng pagkakabunyag ng iligal na aktibidad sa niraid na Lucky South 99 outsourcing Inc. compound sa Royal Garden Estate sa Brgy. Sta. Cruz, Porac Pampanga kung saan bukod pa sa pagiging “scam farm” ay sangkot din umano sa human trafficking, sex trafficking at torture.

"Nagpanic ako kasi bigla na lang na news ang Porac kasi sa totoo lang wala kaming kaalaman-alam. Malaki ang tiwala namin sa iyo Mayor Jing (Capil). 'Di ba Mayor Jing wala la naman sinasabi at nirereport na may BPO, bigla na lang kaming nagulat na may POGO doon,” ani Pineda.

Sa pag-usisa ng Sangguniang Panlalawigan, nalaman na karamihan sa mga gusali sa loob ng compound ay walang occupancy permit. At base sa mga nakalipas na inspections ng LGU, tanging kakulangan ng clearance sa EMB dahil walang drainage system at proper waste disposal ang nakita.

Hindi umano naamoy ng LGU ang iba pang mas malaking iregularidad sa nasabing pasilidad.

Naghinala na lang ang LGU nitong Mayo kaya nag-inspeksyon kasama ang BFP lalo't nasa negative list sila ng ahensya pero bigo namang makapasok.

“Dapat niyan nilusob niyo, ni-raid nyo," ani Pineda.

“That's why we conduct a joint inspection team Hindi kami pinapasok,” pangatuwiran naman ni Porac Mayor Jing Capil.

“And mali nga. 'Yun ang problema ngayon sila yung investor sila pa ang nananakot sa atin, bakit hindi ka nagreklamo sa higher authority bakit sumalta lang sila sa bayan mo ayaw kang papasukin eh nasa batas na kailangan inspeksyunin lahat ng private property kung may hinala na may illegal,” ani Pineda.

Lalo pang nanlumo ang bise gobernador ng isiwalat na ang binabayarang business permit ng Lucky South 99 sa Porac ay P10,000lamang kada taon habang P4,000 lang kada taon sa amilyar para sa 46 na gusali sa loob ng 10 ektaryang lupa.

Ang sagot ng LGU, hindi pa kasi tapos ang tax mapping at nakadeklara pang agricultural land ang kinatatayuan ng Lucky South 99.

"Noong 2019-nagstart tax mapping, natigil dahil sa pandemic, pero inistart ba uli,” ani Capil.

“Common sense na lang mayor, lumalaki na yun para na siyang city ang laki tapos hihintayin mo pa tax mapping ng probinsya bago mo itaas ang amilyar nila?“ sita naman ni Pineda.

Magkakaroon ng ng kasunod na pagdinig, kung saan ipiprisinta ang lahat ng permit at clearances.

"Ikaw Pilipino ka, Kapampangan ka, taga Pampanga ka, hindi ka p'wedeng pumasok, anong klaseng tao sila, pag-aari na ba nila yung Porac, binigay mo ba yung Porac sa kanila? Bakit parang sila ang mayor bakit sila ang nasusunod?” tanong ng bise gobernadora.

Ipapatawag din ang may-ari ng lupa na kinatatayuan ng Lucky South 99, para ipaliwanag kung bakit hinayaan na nangyari ito.

LATIGO, CLONING DEVICE
Samantala, sa ika-8 araw ng pagpasok ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa compound ng Lucky South 99, dalawang latigo, mga cloning device, malalaking tower sa taas ng mga gusali, at ilang dokumento ang kanilang nadiskubre sa mga natitirang gusali.

Dalawa sa 46 na gusali na lang ang huling pinasok nitong Biyernes.

Security office at administration office ang dalawang gusali na pinakahuling pinasok ng awtoridad.

Sa isang kuwarto kung nasaan ang ilang CCTV monitor, may nakitang isang dokumentong certificate of recognition sa Whirlwind Corporation mula sa Philippine National Police Highway Patrol Group Region 3 na nagpapasalamat sa Whirlwind corporation sa mga naging donasyon sa kanilang “Ride For A Cause Project”.

Ang Whirlwind Corporation ang kumpanya na nagpapaupa sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

May nauna ring dokumento na may letterhead ng Office Of The President na may petsang October 2021 ang na-recover kung saan nakalagay ang pangalan ni Atty. Harry Roque.

"Isa yun sa tinitingnan natin kung magiging authentic yan at nakita natin yung ibang documents na galing sa Palasyo noong 2021 malalaman natin kung bakit para saan ang letter ba yun. Kailangan masusing imbestigasyon ang gawin natin kasi baka mamaya ginagamit lang ang government o kaya ginagamit kang yung isang pangalan ng tao na para lumabas na connected sila pero hindi naman yun yung inaavoid natin," ayon kay PAOCC Usec Gilbert Cruz.

Sabİ ni Roque, wala umanong kinalaman ang dokumento sa POGO hub. Si Roque ang abogado ng Whirlwind Corporation na isang real estate business.

"I take care of my reputation. That affidavit of support walang kinalaman. We represent Whirlwind in an ejectment case in the Court of Appeals,” aniya.

Sa ikatlong palapag ng gusali, mayroon namang nakitang transmitter o antenna na sumasagap ng WIFI na ibabato sa router sa loob ng mga gusali. Ito umano ang ginagamit sa kanilang operasyon sa POGO hub.

Bukod sa mga computer, may mga cloning device na ginagamit umano sa text blast at scamming activities na nakuha.

Ayon sa PAOCC, maaaring matatapos na nilang ngayong gabi o bukas ng umaga ang inspeksyon sa buong Lucky South 99 compound.

Matapos nito, ipapaalam nila sa korte na tapos ang inspeksyon, habang ang mga nakitang ebidensya ay mananatili muna sa loob ng mga gusali.

May mga itatalagang tauhan Ng Special Action Force na magbabantay sa compound. - May ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News