Porac POGO compound, scam hub umano | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Porac POGO compound, scam hub umano

Porac POGO compound, scam hub umano

Patrol ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA—Hinihinalang sangkot sa “love scam” ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga, ayon sa PAOCC. 

Sa ikatlong araw ng paghahalughog ng awtoridad sa Lucky South 99, natuklasan ang isang kuwartong puno ng desktop computers, cellphones at iba pang electronic gadgets. 

Ang mga ito umano ang ginagamit sa panloloko online—paniniwalaing nakikipag-usap sa isang magandang babae ang target para maengganyong maglabas ng pera para sa pekeng cryptocurrency investments. 

Kuwento ng isa sa mga nailigtas mula sa offshore gaming hub, pinahihirapan at binubugbog sila kung hindi maabot ang kanilang quota. 

ADVERTISEMENT

Kasama sa mga nakumpiskang gamit din ang iligal na droga, at torture devices. 

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang 160 foreign nationals, apat na biktima ng kidnap at torture, at apat na managers na sasampahan ng kasong human trafficking. Ipadedeport naman ang 151 na undesirable aliens. 

Sa lawak ng compound na nasa 10 ektarya at may 46 na gusali, inaasahang tatagal ng 9 hanggang 10 araw ang paghahalughog sa lugar.

—Ulat ni Gracie Rutao, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.