Higit 100 brand new cellphone natangay ng apat na holdaper sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 brand new cellphone natangay ng apat na holdaper sa Laguna

Higit 100 brand new cellphone natangay ng apat na holdaper sa Laguna

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

May sinusundan nang persons of interest ang Pila Municipal Police Station sa nangyaring robbery-hold up sa isang tindahan ng cellphone sa Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna nitong Martes ng tanghali.

Ayon kay PMaj. Abelardo Jarabejo III, hepe ng Pila Municipal Police Station, may mga sinusundan na silang suspek at ang mga ito ay posibleng nasa pagnenegosyo rin ng cellphone.

“Lahat ng ipinapakita ko na pictures sa biktima ay 80 percent or 90 percent hawig doon sa suspek. Based on cyber patrolling at social media investigation naming ay may connected, may naglilink sa bawat isa” sabi ni Maj. Jarabejo.

Posibleng ang mga suspek din ang grupo na nanloob sa tindahan ng cellphone sa Carmona City sa Cavite noong nakarang buwan dahil sa pagkakaparehas ng istilo. 

ADVERTISEMENT

Martes ng tanghali nang pasukin at holdapin ng apat na suspek na armado ng kalibre 38 at kalibrer 9mm at nakasuot ng facemask ang A&D Gadgets Shop na nasa second floor ng isang gusali.

Kwento ni Nica, isa sa may-ari, kumatok ang mga suspek sa pinto at nang sabihin ng kaniyang kasama na tanggalin ang suot na facemask ay dito na nagdeklara ng hold-up ang mga suspek.

“Pagsabi po na patanggal ang facemask, tumingin lang po sa kabilang gilid tapos 'yun na po may baril na po. Nanlalaban pa po yung mga lalaki sa amin, ginaganoon po ng baril, 'Umipod kayo, umipod kayo, puputukan ko kayo,'” sabi ni Nica.

Iginapos din si Nica kasama ang apat na iba kabilang ang kaniyang boyfriend, kapatid at pinsan.

“Ang una po ginapos sa amin at tinutukan yung boyfriend ko kasi sya po yung malaki. Siya po may tutok na baril sa ulo tapos pinadapa po. Puputukan naming kayo, puputukan namin kayo,” dagdag pa ni Nica.

Para hindi makita ang nangyayari sa loob, tinakpan pa ng mga suspek ng kurtina ang glass wall ng tindahan.

Nasa 108 units ng brand new cellphone na nagkakalahalaga ng P2.2 milyon at higit P30,000 cash ang natangay ng mga suspek.

“Hindi po biro yung pagod, hirap, yung gabi ginagawa naming umaga, wala pa kaming lahat, simula zero kami .Hindi naman kami yung mayaman na binigyan ng magulang ng kapital. Para magnegosyo kami, from zero nagsimula. 'Yung trabaho naming halos 24 hours, walang natutulog," sabi pa ni Nica.

Ayon sa Pila Police, posibleng natiktikan ang mga biktima dahil noong Lunes ay nag-live online selling pa sila kung saan ay ipinakita ang mga bagong dating na cellphone mula sa Hong Kong.

“Nag-live sila, ito naging target sila. Bagong insidente ito, bagong modus, talagang tinatarget mga online seller,” sabi ni Maj. Jarabejo .

April 7 pa lamang nagbukas ang tindahan ng cellphone at inaayos pa ang CCTV kaya hindi nakunan ang actual na pangyayari.

Pero sa CCTV sa labas ng gusali, makikita ang magkakasunod na paglalakad ng suspek na umakyat sa hagdan patungo sa second floor.

Makalipas ang may 15 minuto, kita rin ang kanilang paglalakad na tila normal lamang matapos isagawa ang panghoholdap.

Tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo patungo sa direksyon ng Sta. Cruz, Laguna.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.