2 suspek sa Cavite coffee shop robbery, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 suspek sa Cavite coffee shop robbery, arestado

2 suspek sa Cavite coffee shop robbery, arestado

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inaresto ng Bacoor police ang 2 suspek na kasabwat umano ng isang lalaki na nang-holdup at nagpapaputok ng baril sa isang coffee shop sa Bacoor City, Cavite, nitong Lunes ng gabi.

Sa CCTV ng coffee shop sa Barangay Dulong Bayan, kita ang pagpasok ng suspek sa establisimyento.

Tinutukan niya ng baril ang mga customer nito at nang sinubukang pumalag ng isa, dito na siya nagpaputok ng baril. 

Tinangay ng suspek ang mga cellphone at alahas ng mga biktima na nagkakahalaga ng halos P150,000.

ADVERTISEMENT

Ang mga empleyado ng coffee shop, dali-daling pumasok sa kusina kaya’t hindi nakuha ang pera sa kaha na nagkakahalaga ng P13,000.

Dahil sa insidente, natakot pumasok ang ilan sa mga empleyado ng coffee shop ngayong Martes. Balak namang magdagdag ng seguridad ng may-ari nito.

"'Yung iba na-trauma sila then 'yun wala kaming manpower so, kailangan mag-replace muna para makapag-operate 'yung coffee shop," sabi ng may-ari nito.

"Siguro sa security guard and kung makakausap namin munisipyo kung puwede kami magpalagay ng CCTV kahit dito lang sa may bandang parking," dagdag niya.

Natunton ng mga pulis sa Barangay Talaba Uno ang mga suspek sa tulong ng tracker ng mga ninakaw na gadget mula sa mga biktima, ayon kay Police Lieutenant Colonel John Paolo Carracedo, hepe ng Bacoor police.

Todo-tanggi ang mga suspek sa paratang, pero ayon sa pulisya, posibleng ang 2 suspek ang binabagsakan ng mga ninakaw ng suspek na nakita sa CCTV.

“Sa akin po 'yung ginamit na motor, hiniram lang po yun sa akin. Di ko naman alam na gagamitin po pala sa ganun," sabi ng suspek.

"Nanghiram po ako sa kanya ng motor kasi magsusundo lang po ako ng anak ko," sabi ng isa pang suspek.

"Malaki ang chance na sila talaga kasi cohorts silang tatlo eh. Isa may ari ng motor isa driver ng motor at the same time during the conduct of investigation talagang pinagtatakpan nila," sabi naman ni Carracedo.

Kasong robbery holdup ang kasong kakaharapin ng mga suspek habang pinaghahanap ang nakatakas na suspek na napag-alamang dati nang nakulong noong 2019.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.