Motorcycle rider, namaril sa LTO checkpoint; 1 patay, 2 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Motorcycle rider, namaril sa LTO checkpoint; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang nasawi at dalawa ang sugatan matapos mamaril ang isang lalaking sakay ng motorsiklo sa checkpoint ng Land Transportation Office (LTO) sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Huwebes ng umaga.

Tinamaan ng bala at nasawi ang dating kapitana ng barangay na si Angeles Marasigan, 85-anyos na nasa kalapit na tindahan lamang, ayon kay Calapan police chief LtCol. Roden Fulache.

Sugatan naman ang isa pang bystander at ang LTO personnel na si Gerardo Garcia.

Sa imbestigasyon, pinara ng LTO personnel ang 44-anyos na suspek dahil sa mga violation pero nauwi ito sa pakikipagtalo sa awtoridad.

Bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok.

“‘Yung motor niya maraming defective tapos yung tinatanong siya kung may mga papeles sa motor, driver's license tapos nagkaroon sila ng pagtatalo,” sabi ni Fulache.

Nakatakas naman ang suspek sa hot pursuit operations ng mga awtoridad pero narekober ang motorsiklo sa Barangay Malamig.

Nakarekober din ng mga awtoridad ang mga basyo ng kalibre 9mm na baril.

IBA PANG BALITA:
Read More:
ABSNews
LTO
checkpoint
shooting incident
motorcycle rider
calapan city
oriental mindoro
crime
pulis
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT