17 Chinese arestado sa POGO raid sa Tagaytay resort | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

17 Chinese arestado sa POGO raid sa Tagaytay resort

17 Chinese arestado sa POGO raid sa Tagaytay resort

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

TAGAYTAY — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ang nasa 17 Chinese nang magsagawa ito ng raid sa isang resort sa Tagaytay City. 

Sinalakay ng NBI Cybercrime Division ang resort sa Barangay Francisco nang makakuha ng tip mula sa isang Chinese na tino-torture umano doon. Na-rescue ang biktima. 

Nang pasukin ang lugar, nagulat ang awtoridad nang tumambad ang mga computer workstations pati na rin ang mga cellphone na ginagamit umano ng mga suspek sa POGO. 

Mismong si NBI Director Jaime Santiago ang nag-ikot sa media tungkol sa kanilang operasyon. Kinuwento din ng biktima kay Santiago ang pangto-torture umano sa kanya. 

ADVERTISEMENT

“Ito yung mga cellphone nila, mga cellphone na ginagamit nila. Lahat yan pang-transfer ng pera, ng crypto,” ani Santiago. 

“Gusto nang kumalas [ng biktima] kaya ayun binubugbog, kinukuryente, yun ang ni-rescue. Magfa-file siya ng complaint. Siya lang yung na-rescue namin,” dagdag niya.

Timbog ang 17 na Chinese nationals, kabilang ang 4 na babae. Nasagip naman ang complainant. 

Sabi ng barangay, hindi nila alam na may operasyon ng POGO sa naturang resort. Ikinagulat din nila ang balita na may tino-torture doon. 

“Matagal na itong nag-ooperate, tuwing dadaan ang December, dito kami nagki-Christmas party pero wala pa ang mga yan. July 12, dito ako nag-venue sa tapat ng resort. Wala pa yan dito,” ani Ariano Ferma, punong barangay ng Brgy. Francisco. 

ADVERTISEMENT

“Naupa ang mga yan, noong isang buwan lang,” dagdag ni Ferma.

Ikinuwento ng punong barangay na dumating sa punto na naging mailap ang mga tao sa resort at hindi pinapapasok ang ibang indibidwal dahil umano private property ito. 

“May nakapagtapon ng basura sa gate nila. Pinapuntahan ko sa aking mga utility ayaw sila papasukin kasi private property ito… Ayaw magpapasok [ng caretaker]. Hinahanap ko yung caretaker, wala na dito,” ani Ferma. 

Sabi pa ng barangay, walang nakapansin o nagsumbong na may mga Chinese sa resort. Hindi na rin sila naghinala lalo na’t may mga isinasagawang private events doon. 

“Walang nakakapasok dito. Walang napansin, ayaw namin pasukin ito gawa ng ayaw kami papasukin. Private ito eh,” sabi niya. 

ADVERTISEMENT

Ipapatigil umano pansamantala ng barangay ang operasyon ng resort. Papaigtingin din ng barangay ang pagbabantay para maiwasan ang mga kaparehong insidente. 

Patuloy na sinisikap ng ABS-CBN News kunan ng panig ang may-ari ng resort.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.