8 naitalang patay sa Agoncillo, Batangas dahil sa Bagyong Kristine | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 naitalang patay sa Agoncillo, Batangas dahil sa Bagyong Kristine

Isolated pa ang ilang barangay sa Agoncillo, Batangas. Dennis Datu, ABS-CBN News

BATANGAS — Walo ang naitalang patay habang anim ang nawawala pa sa bayan ng Agoncillo sa Batangas, isa sa mga probinsya na hinagupit ng Bagyong Kristine.

Sa Barangay Subic Ilaya, nasira ng bagyo ang kalsada sa Sitio Riverside, kaya’t hindi pa mapuntahan ang mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang.

Nanawagan din ng tubig at pagkain ang mga residente ng bayan.

Patuloy ang relief operations sa bayan ng Agoncillo. Dennis Datu, ABS-CBN News

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo ng umaga, 46 pa na daan at kalye sa Calabarzon ay hindi pa madadaanan at 32 ay magagamit na matapos ang clearing operation sa mga ito.

May naitala na rin na 30 na imprastruktura sa rehiyon na nasira ng bagyo.

Samantala, higit 2,000 residente na ng mga isolated na barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo, Batangas ang lumikas na sakay ng mga bangka at binaybay ang Taal Lake patungo sa bayan ng San Nicolas.

Ayon sa mga residente, matinding gutom na ang kanilang nararanasan dahil sa kawalan ng pagkain at maiinom na tubig. Natatakot na rin sila dahil may paparating na naman na bagyo.

Mistulang mga refugee ang mga lumilikas na mga residente kabilang ang mga sanggol, bata, matatanda at may mga kapansanan na kailangan lang buhatin ng mga nakaaabang na mga tauhan ng PCG sa may baywalk ng San Nicolas.

Agad silang pinapakain at isinasailalim sa medical check up ng LGU ng San Nicolas lalo’t marami ang may trauma pa.
Agad silang pinapakain at isinasailalim sa medical check up ng LGU ng San Nicolas lalo’t marami ang may trauma pa.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga lumikas, mistulang ghost town na ang kanilang barangay at wala na silang babalikan na tirahan dahil naglaho na ang kanilang mga bahay matapos matabunan ng makapal na putik at mga troso.

Naghatid na rin ng pagkain ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo sakay ng mga bangka para sa mga residente na nagpaiwan para sa mga alagang hayop nila.

Dumating na ang engineering team ng Philippine Army at gumagawa na ng paraan para makapagtayo ng mga pansamantalang tulay sa mga nawasak na daan upang makapasok ang mga heavy equipment na magsasagawa ng clearing operations.