Canada ipapamahagi ang sobrang COVID-19 vaccine doses, pangako ni Trudeau | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Canada ipapamahagi ang sobrang COVID-19 vaccine doses, pangako ni Trudeau

ABS-CBN News
Published Dec 19, 2020 07:05 PM PHT

Handang magpamahagi ng excess doses ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ang bansang Canada para sa ibang bansa oras na mabakunahan ang kanilang mga residente, ayon sa Prime Minister nilang si Justin Trudeau.

Umarangkada ngayong linggo ang ang vaccination campaign ng Canada. Layon nilang masigurong mabakunahan ang lahat ng nasa 38 milyon nilang residente.

"As Canada gets vaccinated, if we have more vaccines than necessary, absolutely we will be sharing with the world," ani Trudeau sa isang panayam sa CTV na ipapalabas sa Linggo.

Nitong Biyernes, sinabi naman ni Trudeau na makakakuha sila ng 125,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine kada linggo, katumbas ng 500,000 doses kada buwan pagdating ng Enero.

Inaasahan ding makakatanggap ang Canada ng 200,000 doses ng Pfizer/BioNTech vacccine sa susunod na linggo, at 168,000 doses ng bakuna ng Moderna bago matapos ang taon, matapos makuha ang regulatory approval mula sa Health Canada.

Nitong Lunes umarangkada ang vaccination campaign ng Canada kung saan binakunahan ang mga nurusing home workers at residences sa mga probinsiya ng Ontario at Quebec.

Hangad ng Canada na mabakunahan ang nasa 3 milyong katao matapos ang unang tatlong buwan ng 2021.

Inilatag na ng World Health Organization at Gavi vaccine alliance ang COVAX mechanism para masigurong aabot sa mga developing country ang bakuna.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, aabot sa 2 bilyong dose ng iba’t ibang vaccine candidates ang nakuha sa ngayon.

Nitong Setyembre, aabot sa Can$220 milyon ang ipinundar ng Canada sa COVAX initiative.

Sa ngayon, may 490,000 kaso ng COVID-19 ang Canada. At 14,000 ang namatay sa sakit. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT