'Luffy' crime ring members kinasuhan ulit ng robbery, murder | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Luffy' crime ring members kinasuhan ulit ng robbery, murder

ABS-CBN News
Published Sep 13, 2023 08:07 AM PHT

TOKYO - Apat na hinihinalang matataas na miyembro ng isang grupo na nag-organisa ng mga scam at pagnanakaw sa Japan mula sa Pilipinas ay binigyan ng mga bagong warrant of arrest nitong Martes dahil sa umano'y pagpaplano ng pagnanakaw sa bahay ng isang 90-anyos na babae noong unang bahagi ng taong ito, sabi ng mga investigative sources.

Si Kiyoto Imamura, 39, ay pinaniniwalaang nag-utos ng break-in sa bahay ni Kinuyo Oshio sa Komae, western Tokyo, noong Enero kasama ang tatlo pa.

Si Oshio ay binugbog hanggang mamatay matapos nakawan nang 3 mamahaling relo noong Enero 19. Apat pang lalaki ang inaresto noong Pebrero dahil sa hinalang gumawa ng krimen.

Naniniwala ang Metropolitan Police Department na ang apat na lalaki ay nag-coordinate sa pagnanakaw sa pamamagitan ng isang naka-encrypt na messaging app habang nakakulong sa isang immigration detention facility sa Maynila.

ADVERTISEMENT
Sila ay ipinatapon sa Japan mula sa Pilipinas noong unang bahagi ng taong ito.

Ang tatlo pang iba ay sina Yuki Watanabe, 39, Toshiya Fujita, 39, at Tomonobu Kojima, 45, ayon sa mga source.

Sina Imamura, Watanabe at Fujita ay binigyan din ng mga bagong warrant of arrest noong Agosto dahil sa umano'y balak na magnakaw kinabukasan matapos ang pagnanakaw sa Komae.

Nagtayo ang pulisya ng isang joint investigative headquarters kasama ang mga prefectural police department sa Chiba, Kyoto, Hiroshima at Yamaguchi dahil sa mga pagnanakaw ng grupo.

Naniniwala ang pulisya na gumamit si Imamura ng mga alyas tulad ng "Luffy" kapag nag-uutos na gawin ang mga krimen sa Japan, bagama't hindi sa Komae robbery case.

Ang mga gumawa ng mga pagnanakaw ay pinaniniwalaang na-recruit online para sa "yami baito," na literal na nangangahulugang "madilim na part-time na trabaho."

Isinalin sa ulat ng Kyodo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT