Lalaki na pumatay sa 3 katao isang linggo naglakad para sumuko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki na pumatay sa 3 katao isang linggo naglakad para sumuko

Lalaki na pumatay sa 3 katao isang linggo naglakad para sumuko

ABS-CBN News

Clipboard

Isang linggong naglakad ang isang lalaki sa Russia para sumuko at umamin na sangkot siya sa triple murder, sabi ng mga awtoridad nitong Martes.

Ayon sa investigative committee na nakaatas sa mga malalaking krimen sa Russia, nag-away ang lalaki at ang kasamahan nito habang nag-iinuman sa isang reindeer farm sa Khabarovsk region, malapit sa border sa pagitan ng Russia at China.

Dala nito, pinagbabaril ng lalaki ang kaniyang kasamahan, at dalawa pang babae na naroon sa eksena, sabi ng komite sa isang pahayag.

Dahil sa layo ng lugar at kawalan ng transportasyon, naglakad naman nang isang linggo ang lalaki papunta sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

ADVERTISEMENT

"Due to the farm's remote location and the lack of transport options, the man walked for a week to the village of Okhotsk, where he turned himself in to the police and reported that he had committed the crimes," ayon sa pahayag.

Nakakulong na ngayon ang lalaki at tumungo na sa farm ang mga awtoridad.

Sa mga nakalipas na taon ay humihina na ang alcoholism sa Russia, at parte rito ang mga kampanya para makontrol ang pagkonsumo at pagbenta nito.

Gayunman, marami pa rin ang naiuulat na kaparehang mga insidente. Noong 2017, may lasing na lalaking pumatay sa 9 katao sa isang village malapit sa Moscow.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.