Ilegal na alak nabuking dahil sa mga buffalo na lasing | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilegal na alak nabuking dahil sa mga buffalo na lasing

Ilegal na alak nabuking dahil sa mga buffalo na lasing

ABS-CBN News

Clipboard

Naaresto ang tatlong magsasaka sa Gujarat, India sa ilegal na pagbebenta ng alak dahil sa mga nalasing nilang buffalo.

Kuwento ng police official na si Dilipsinh Baldev, nakatanggap umano ng tawag ang isang veterinarian mula sa isang magsasaka, na nagsabing kakaiba ang naging galaw ng kanilang mga alagang buffalo. Bumubula rin umano ang mga bibig nito.

Ininspeksyunan ng veterinarian ang pinag-iinumang lalagyan at napansin niyang kakaiba ang kulay at amoy ng tubig dito.

Iyon pala, na-contaminate ang tubig dahil nabasag ang mga bote ng mga moonshine na tinatago ng mga magsasaka at tumagas ito sa pinag-iinuman ng mga hayop.

ADVERTISEMENT

Mataas ang alcohol content ng moonshine - na nananatiling ilegal ang produksyon at pagbebenta sa maraming bansa.

Agad na sinumbong ito ng veterinarian sa mga pulis, na nagsagawa ng raid sa farm at nakarekober ng 100 bote ng alkohol na nagkakahalagang 32,000 rupees ($400USD o mahigit-kumulang P20,000).

Bawal ang pagbebenta, pagbili, at paglilipat ng alkohol sa Gujarat, na home state ni Prime Minister Narendra Modi.

Maaaring makulong, o maharap sa malalaking multa ang mga mapapatunayang gumawa nito.

—Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.