Lasing na naghanap umano ng away, patay matapos mabaril sa Capiz | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lasing na naghanap umano ng away, patay matapos mabaril sa Capiz

Lasing na naghanap umano ng away, patay matapos mabaril sa Capiz

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng caretaker ng isang resort sa Barangay Natividad, Pilar, Capiz, nitong ika-5 ng Hulyo 2021, matapos itong malasıng at magwala. Larawan mula sa Pilar Police

Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng caretaker ng isang resort sa Barangay Natividad, Pilar, Capiz, Lunes ng gabi.

Ayon imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa resort si Eliseo Jenosas, 29-anyos, at mga kaibigan nito sa resort at nag-inuman.

Matapos malasing, nagwala umano si Jenosas at naghanap ng away sa lugar.

Pinuntahan ng caretaker ng resort si Jenosas para pigilan ito sa pagwawala. Pero maging siya ay sinuntok umano ng biktima.

ADVERTISEMENT

Dahil sa galit ay kumuha ng baril ang caretaker ng resort at binaril ang biktima. Tinamaan ito sa kanang balikat na tumagos sa kanyang kili-kili.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Samantala, kaagad na nahuli ang caretaker sa isinigawang hot pursuit operation ng awtoridad, pero hindi na narekober ang ginamit na baril.

Nasa kustodiya ng Pilar Police ang salarin at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.