Basketball paraan ng OFWs sa S. Korea laban sa homesickness | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Basketball paraan ng OFWs sa S. Korea laban sa homesickness

Gennie Kim | TFC News South Korea
Published May 19, 2023 07:08 PM PHT

SOUTH KOREA - Di maikakaila ang hilig ng mga Pinoy dito sa South Korea sa larong basketball. Pampalipas-oras at bonding moment ito ng Overseas Filipino Workers o OFWs lalo na tuwing araw ng Linggo.

“Malayo po kami sa family namin at saka gusto ko rin ang mga Filipino na malibang din sila, maiwasan ang homesickness. Na-unite ko sila dito sa pamamagitan ng One Day League dito,” sabi ni Maui Lim, organizer ng basketball league.

Natigil ang mga palarong basketball sa kasagsagan ng pandemic kaya marami ang dismayado. Pero ngayong nagluwag na ang mga panuntunan sa COVID-19, balik sa kanilang kinagigiliwang basketball ang mga Pinoy dito sa Incheon City.

Pitong teams ang naglaro at may pakulo ring Tiktok dance at best uniform contest.
Pitong teams ang naglaro at may pakulo ring Tiktok dance at best uniform contest.
ADVERTISEMENT
“Masaya po kami nakakita kami ng mga ibang tao hindi lang po yung mga tropa namin,” sabi ng Team Won.

Pati mga pulis ng Incheon City, todo-suporta sa palaro ng mga Pinoy. Ikinatuwa rin ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang pagkakataong magtipon-tipon ang mga pPnoy.

“At least you have time to unwind through this event, to showcase the talent of Filipinos on other sports and basketball.
Magandang pakita ito sa ating host country na South Korea kahit na busy tayo ito ang ating pinapakita sa kanila na we are committed to help each other...,” ani Second Secretary Ernest Joseph Diga mula sa Philippine Embassy sa Seoul.

Malayo man sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas, nakahahanap ng paraan ang mga Pinoy na mapalapit sa kanilang mga kababayan na bahagi ng kulturang pakikipag-kapwa-tao.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT