Pamumulaklak ng cherry trees o sakura sa Japan, dinarayo ng mga Pinoy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamumulaklak ng cherry trees o sakura sa Japan, dinarayo ng mga Pinoy

Joemel Anas | TFC News Japan
Published Apr 15, 2023 09:03 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
NAGOYA, JAPAN - Dinarayo ng muli ng mga turista kabilang na ang mga Pinoy, ang isa sa pinakamatandang parke sa Nagoya, Japan - ang Tsuruma Park kung saan pangunahing atraksyon ang sikat na cherry trees o sakura. Mahigit isandaang taon na ang parke na isa sa mga kauna-unahang itinayong landmark ng lungsod.

Napapalibutan ang parke ng mahigit isang libong puno ng sakura na umaakit sa maraming turista lalo na tuwing huling bahagi ng Marso hanggang Abril.

Hudyat na rin ang pamumulaklak ng sakura nang pagsisimula ng tagsibol o spring sa Japan.

At kung noong kasagsagan ng pandemya natigil ang pamamasyal sa Tsuruma Park ngayon, dagsa na muli ang mga mga bumibisita sa parke tulad ng Pilipinang si Antonia Clerigo mula sa Davao sa Pilipinas.

“Ang ganda-ganda pala ng sakura. First time kong experience sa Japan,” ani Clerigo.

“Maganda pala dito, masarap ang klima, masasarap ang mga pagkain at mababait ang mga tao dito. Peaceful, masarap na experience sa Nagoya,” kwento naman ni Allan De Guzman, turista mula Nueva Ecija.

Sa pagdagsa ng mga bisita sa Tsuruma Park, nakikita ng muli ang nakagawiang picnic at bonding ng mga pamilya. Hindi rin nawawala siyempre ang pagpapalitrato sa sakura na simbolo hindi lang ng pagbabago ng panahon kundi maging ng pangangalaga sa kultura at kagandahang biyaya ng kalikasan.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT