Pinay OFWs hinimok na maging ‘Entre-Pinay’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinay OFWs hinimok na maging ‘Entre-Pinay’

Jofelle P. Tesorio,
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2019 12:49 PM PHT

THE HAGUE, The Netherlands - Maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang nakakapag-ipon habang nagtatrabaho sa ibang bansa, subalit madalas ay nauubos agad ang pinaghirapan pag-uwi sa Pilipinas.

Dahil dito, hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga OFW na pag-isipang mabuti kung ano ang gagawin sa naipong pera at kung paano ito palalaguin.

Sa information forum ng Philippine Embassy sa The Netherlands at ng Philippine Trade and Investment Center na nakabase sa Brussels, sinabi ni Trade Counsellor Benedict Uy na hindi madali ang pagnenegosyo. Tumutulong ang DTI sa mga nais magsimula at gagabayan sila para maging pulido ang kanilang business plan hanggang sa pagma-market ng produkto.

“I’m sure marami tayong mga kababayan na iniisip, ano kaya kung mag-negosyo ako? Pasukin namin ang negosyo once na uuwi na ako ng Pilipinas o naisip nila baka may mga kamag-anak sila sa Pilipinas na puwede nila bigyan ng advise na pumasok sa negosyo,” ayon kay Uy.

Bilang bahagi ng Women’s Month celebration, inorganisa ng embahada ang ‘Women Power, Be an Entre-Pinay’ forum kung saan naimbitahang magbigay ng payo at impormasyon si Uy at si Marielle Flores-Moens, ang may-ari ng matagumpay na ngayong Theo & Brom, ang gumagawa ng Belgian Tableya.

Hinimok ni Moens ang mga Pinay na huwag matakot pasukin ang pagnenegosyo. Ikinuwento niya na nagsimula ang ideya ng Belgian Tableya sa hilig niya sa tableya na gawang Pilipinas.

Nang dumating sa Belgium upang manirahan kasama ng kaniyang asawa, naisip niya na gawing negosyo ang Belgian Tableya kung saan ang tsokolate ay manggagaling sa Pilipinas.

Wala siyang karanasan sa paggawa ng tsokolate pero ang una umano niyang ginawa ay makipag-ugnayan sa mga chocolate-makers.

“With my little cacao dream in mind, I went to work and pitched the idea to almost every chocolatier I could find in Belgium. I had a list of chocolate makers in alphabetical order, from A to Z… I sent my proposal either through their website, or the email address listed on their page," ayon kay Moens.

"Everyone either said no, declined to help develop a recipe, or just didn't respond. I eventually ran out of emails to send my proposal to. A few hours after, a reply came through. And it was a YES,” dagdag niya.

Tila isang pahiwatig ito dahil ang unang nag-"oo" sa kaniya ay nagsisimula sa letrang “Z” ang pangalan o si Dr. Zoi Papalexadratou, isang kilalang pangalan sa cacao industry.

Sinabi ni Moens na ang isa sa pinaka-mahalaga sa pagsisimula ng negosyo ay isang taong maniniwala at magsisilbing mentor. Mula sa ilang kilong Belgian Tableya na ginagawa sa kusina ng kanilang bahay, umaabot na sa mahigit isang daang kilo ang ginagawa nila ngayon at nag-si-ship na rin sila sa Amerika, sa Europa at maging sa Pilipinas.

Karamihan sa mga dumalo sa "Women Power, Be an Entre-Pinay" forum ay mga au pair, kababaihang nasa edad 18 hanggang 30 na ang kontrata sa ilalim ng cultural exchange program ay isang taon lang.

Kapalit ng magagaang trabahong-bahay at maliit na allowance, nakatira ang mga au pair sa host family upang pag-aralan ang kultura ng isang bansa.

Dahil isang taon lang ang kontrata at may age limit, hindi umano forever ang pagiging au pair kaya naman habang maaga, mas mainam na mayroon silang Plan B sakaling bumalik sa Pilipinas.

Marami sa kanila ang interesadong malaman ang ins and outs sa pagnenegosyo bilang paghahanda.

Tulad na lamang ni Kate Castel, 28 anyos na au pair sa The Hague. Na-inspire umano siyang malaman na may programa ang DTI para sa mga OFW na nais magnegosyo. Nais niyang simulan ang maliit na negosyo na may kinalaman sa crafts dahil ito ang kaniyang hilig at talento.

“Hopefully, pagbalik ko sa Pilipinas. Mag-start muna ako sa small, especially sa hobby ko. Hopefully, in one year, buo na ang mga ideya ko. Ang ganda lang kasi madami palang programa ang DTI,” ani Castel na tatlong buwan pa lang sa The Netherlands.

Ayon naman kay Uy, may mahigit 1,000 negosyo center ang DTI at may OFW lanes na nagbibigay payo sa mga OFW at kanilang pamilya mula sa business proposal, one-on-one mentoring, training, loans at marketing.

“Para ma-inspire po iyong mga kababayan natin na hindi naman po imposible na pasukin ang larangan ng negosyo. Kailangan lang talaga na nandoon ang mindset at saka nandoon ang tamang suporta. We have training programs, seminars, mentorship, we provide machinery, equipment and all those things,” ani Uy.

Karamihan ng mga Pilipino lalo na iyong nasa ibang bansa ay takot umano na mag-invest dahil maraming taon na pinaghirapan ang pera sa abroad. Kaya umano umaagapay ang gobyerno sa mga maglalakas-loob.

“That’s what the government is trying to do because a lot of successful countries and economies are really built upon a strong base of entrepreneurs. You can only have so much workers but you need entrepreneurs to start the business themselves. We want to change that mindset,” ayon kay Uy.

Ang pagpasok ng mga kababaihan sa negosyo ay malaking bahagi din para magkaroon ang mga ito ng economic empowerment, na ayon sa pag-aaral ng World Bank ngayon taon, dehado pa rin ang kababaihan.

“Where when you are a woman you have lesser wages compared to men when you’re in the same position or role. Those are the things that women still have the chance to break the glass ceiling for.”

“I encourage even more Filipinas to finally take courage, take your chance and create your own success story. And there are a lot of communities also to support you just in case you are a little bit hesitant on pursuing your idea. I actually relied on the support of Filipina founders,” hamon at paghimok ng entre-Pinay na si Moens.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the Netherlands Jaime Victor Ledda na kaya nag-abroad ang karamihan nang nasa forum ay dahil sa kanilang mga pangarap.

“We are all here to help you achieve things but the decision to take that first step is yours. We hope that we can be with you in climbing that mountain,” ani Ledda.

Read More:
entrepreneur
au pair
The Hague
The Netherlands
Tagalog news
OFWs
DTI
Department of Trade and Industry
Balitang Global
Theo & Brom
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT