MULTIMEDIA

433 na bettors, panalo ng jackpot sa 6/55 grand lotto ng PCSO

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2022 10:02 PM

Watch more News on iWantTFC

Mahigit 430 ang maghahati sa jackpot prize ng 6/55 grand lotto ng PCSO noong October 1. 433 na mananaya ang nakakuha ng winning combination na 9-45-36-27-18-54. Ayon sa PCSO, makasaysayan ang resulta ng nakaraang lotto dahil sa dami ng nanalo. Marami kasi ang pumuna sa dami ng nanalo ng jackpot at sa lumabas na winning combination, kung saan lahat ng numero ay divisible by 9.