MULTIMEDIA

Dacera Case: Ika-13 lalaki sa Room 2207, nagpakita sa NBI

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2021 01:38 AM

Watch more in iWantTFC

Dumating sa opisina ng National Bureau of Investigation sa Maynila ang isa pang occupant sa Room 2207.

Siya ang ika-13 na occupant na lalaki sa nasabing kwarto kung saan pumupunta noon ang flight attendant na si Christine Dacera.

Natagpuang walang malay si Christine sa bathtub ng Room 2209 at kalaunan ay binawian ng buhay noong January 1 matapos dumalo sa isang year-end party kasama ang mga kaibigan.