Rapper, girlfriend na singer, 17 iba pa arestado dahil sa vishing scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rapper, girlfriend na singer, 17 iba pa arestado dahil sa vishing scam

Rapper, girlfriend na singer, 17 iba pa arestado dahil sa vishing scam

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 29, 2024 01:15 PM PHT

Clipboard

PNP-ACG

IMUS — Inaresto ang 19 indibidwal kabilang ang isang kilalang rapper at ang kanyang girlfriend na singer matapos masangkot umano sa voice phishing o vishing scam sa Imus, Cavite noong Biyernes. 


Base sa salaysay ng rapper na si alyas “Boy” sa pulisya, na-recruit umano sila ng pinakalider ng grupo na si alyas “Mamita” na 11 taon nang sangkot sa modus.


“According sa kanya, hindi naman daw kasi constant ‘yung kita kaya naghanap siya ng other jobs. Nung inofferan siya ng other income, hindi niya alam na scam pala ‘yung pinasok niya,” sabi ni Arancillo. 


“P5 million per week po ang kinikita ng mga grupong ito,” dagdag niya.


PNP-ACG

Sa bisa ng search warrant, naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga suspek sa isang paupahang bahay na nagsisilbing scam hub.


“Ito ‘yung may tumatawag sa ‘tin na nagpapanggap na mga bank representative na kailangan daw natin mag-update ng cards natin,” ayon kay PLt. Wallen Mae Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG. 


“Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay kinukuha na pala ‘yung laman mismo ng card nila,” dagdag niya.


Nasamsam mula sa mga suspek ang iba-ibang SIM cards, mobile devices, laptops, bank documents, ledgers, at mga script na ginagamit sa panloloko sa mga biktima.


PNP-ACG

“Ang mga nakuha natin dun na items is mismo ‘yung application form ng credit card. Most likely, nakukuha ito sa mga malls outside bank,” sabi ni Arancillo. 


Mula Hunyo hanggang Agosto ngayong taon, apat na vishing hub na ang kanilang sinalakay. 


9 na suspek ang nahuli sa General Trias at Trece Martires, Cavite habang 11 suspek naman ang naaresto sa Taguig. 


“Mga getaway groups ito, parang naghihiwalay-hiwalay sila ng bahay din. Nagrerenta sila ng isang bahay tapos ginagawa nila na scam hub,” sabi ni Arancillo. 


Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na kamakailan lang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Magsasampa rin ng hiwalay na kaso laban sa mga suspek para sa paglabag sa Access Devices Regulation Act, Data Privacy at Cybercrime Prevention Act. 

Sa pahayag, hinimok ni PMGen. Ronnie Francis Cariaga, Director ng PNP-ACG, ang publiko na agad na i-report ang ganitong mga insidente sa para sa mabilis na aksyon. 


IBA PANG ULAT: 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.