1 patay, 1 sugatan matapos pagsasaksakin ng kainumang kaibigan sa Valenzuela
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 1 sugatan matapos pagsasaksakin ng kainumang kaibigan sa Valenzuela
MAYNILA – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kasamahan matapos silang pagsasaksakin ng nakainuman nilang kaibigan sa Malinta, Valenzuela.

Ayon kay PMaj. Roel Sison, hepe ng Station Investigation and Detective Management (SIDM) ng Valenzuela Police, nanggaling sa isang birthday party ang 2 biktima at ang suspek, bago nangyari ang pananaksak nitong Linggo ng gabi.

“Pumunta sa birthday party yung ano tatlong magkakaibigan, tapos yung si suspek may nakaalitan dun sa birthday na pinuntahan nila, yung dalawang kaibigan niya naman inuwi na itong si suspek at doon pinagpatuloy nila yung kanilang pag-iinuman," sabi ni Sison.

"Iyong suspek gustong bumalik [sa party] at balikan yung nakaalitan niya doon. Pero yung dalawa pinipigilan siya at doon nag-init ulo ng suspek. Itong dalawang kaibigan niya ang kanyang napagbalingan at sinaksak niya mga kaibigan niya," dagdag niya.

Sinaksak umano ng suspek sa dibdib ang isang kaibigan habang sa braso naman nasaksak ang isa pang biktima.

Agad naisugod sa ospital ang dalawang biktima pero binawian din ng buhay ang nasaksak sa dibdib makalipas ang ilang oras. Nagpapagaling sa ospital ang isa pa sa biktima.

Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang suspek.

“Nagkaroon kami ng manhunt operation at dun sa kanyang tinitirhan na apartment, dun nakuha yung suspek, pati ginamit na patalim,” sabi ni Sison.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela police na may standing warrant of arrest ang lalaki dahil din sa pananaksak ng katrabaho sa Northern Samar noong June 2022.

"Taga-Northern Samar ito tsaka napag-alaman din na Top 10 Most Wanted pala ito sa kanila sa Northern Samar sa kasong frustrated murder. Yun nga nung time na naaresto na namin, dito na rin namin sinilbi yung warrant of arrest niya dito na sa kulungan,” sabi ni Sison.

Ayon sa suspek, hindi niya maalala ang nagawang krimen dahil nakainom umano siya.

"Aminado po ako na may kasalanan din ako kasi nalaman ko na lang na hinuli na ako ng mga pulis. Nanghihingi na lang po ako sorry kung ano nagawa ko sa pamilya nila kasi hindi ko rin po alam nangyari sa akin sa sobrang kalasingan ko," sabi ng suspek.

Aminado ang suspek na alam niyang wanted siya sa Northern Samar at nagtago sa Valenzuela.

"Yung pagsaksak ko sa kanya hindi naman pag-aano talaga kasi sa sayawan yon parang pinagtripan din nila ako pauwi na ako ng bahay," sabi ng suspek.

Sinusubukan pang makuha ng ABS-CBN News ang panig ng kaanak ng nasawing biktima.

Nakakulong sa Valenzuela Police Station ang suspek na mahaharap sa reklamong homicide at frustrated homicide.

IBA PANG BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT