'Trabaho lang': Malabon Mayor Sandoval dinepensahan ang 'photo op' sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Trabaho lang': Malabon Mayor Sandoval dinepensahan ang 'photo op' sa baha

'Trabaho lang': Malabon Mayor Sandoval dinepensahan ang 'photo op' sa baha

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2024 02:49 PM PHT

Clipboard

​Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval na Sumama sa rescue operations si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa lungsod nitong Miyerkules. Larawan mula kay Sandoval/Facebook

MAYNILA — Sumama sa rescue operations sa kasagsagan ng matinding pagbaha sa Malabon City nitong Miyerkules si Mayor Jeannie Sandoval. 

Kita sa mga kumakalat na larawan sa social media na nasa isang rescue boat ang alkalde na tila pinapayungan pa habang malakas ang ulan. 

Pinost ni Sandoval ang larawan sa kaniyang social media account pero tinanggal na ito nitong Huwebes.

Binatikos ng ilan si Sandoval dahil anila, nagawa pang magpa-"photo op" ng alkalde kahit binabaha na ang lungsod at marami ang nangangailangan ng tulong. 

ADVERTISEMENT

May ilan rin namang hinangaan ang alkalde dahil sa pagsama mismo niya sa rescue teams ng lungsod para tugunan ang mga apektadong residente.

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Huwebes, sinabi ni Sandoval na "trabaho lang" ang nangyari.

"Basta makakatulong lang naman kami sa mga tao," aniya.

Paliwanag ni Sandoval, mayroon silang naabutan na dalawang buntis na manganganak at kailangang dalhin sa ospital.

"E medyo malalim na talaga 'yung dadaanan papunta doon sa ospital ng Malabon so sinakay na lang namin sila sa bangka para makarating na," sabi niya.

"Mahirap namang manganak sila sa kalsada kaya talagang ginawan namin ng paraan para makarating sila sa ospital."

Nang tanungin tungkol sa mga komento sa larawan niya sa social media, aniya, "Kung maayos naman 'yung comment e 'di okay lang. Pagka hindi naman maayos, hindi ko na lang po pinapansin."

— may ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.