Mga effigy na susunugin ng grupong Bayan sa SONA ni Marcos Jr., nakahanda na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga effigy na susunugin ng grupong Bayan sa SONA ni Marcos Jr., nakahanda na

Mga effigy na susunugin ng grupong Bayan sa SONA ni Marcos Jr., nakahanda na

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Multisectoral groups prepare materials for the scheduled protests coinciding with the third State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. in Quezon City on Monday. Mark Demayo, ABS-CBN NewsMultisectoral groups prepare materials for the scheduled protests coinciding with the third State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. in Quezon City on Monday. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA -- Nakahanda na ang mga effigy na susunugin ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Lunes. 

Imamartsa ng grupo ang mga gumagalaw na effigy ni Pangulong Marcos at Bise-Presidente Sara Duterte hanggang makarating sila sa Commonwealth Avenue bandang 4 p.m. kung saan naka-schedule ito sunugin.  

Sabi ng Bayan sa isang pahayag na pinapakita ng mga effigy ang umano'y pag-aaway ng political dynasties ng pamilya Marcos at Duterte.  

"The effigy intends to demonstrate that the non stop bickering and maneuver for power and influence of the Marcos and Duterte dynasties is a public nuisance. It reflects the greed of politicians who seek to gain more power instead of addressing the concerns of ordinary citizens," sabi nila sa pahayag.  

ADVERTISEMENT

Ipinaliwanag din nila ang pagkakagawa sa mga effigy.  

"Marcos Jr is wearing a sash of the United States flag while Duterte's sash is China's flag symbolizing the puppetry of the country's top two officials to foreign powers," sabi ng grupo. 

Bukod pa rito, handa na rin ang malaking beach ball na ihahagis ng mga rallyista na may logo ng "Bagong Pilipinas" – ang kampanya ng administrasyong Marcos.  

Sinisimbolo umano nito ang mga pangako ng presidente na hindi anila natutupad.  

Nakahanda naman na ang mga tropa ng Philippine National Police sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa.  

Kasalukuyan namang ipinatutupad ang gun ban sa loob ng Metro Manila mula 12:01 noong Sabado, July 20, hanggang 12 mn ngayong Lunes, July 22. 

Ibig sabihin, suspendido ang mga permits to carry firearms outside residence sa Metro Manila. 

Mga miyembro lamang umano ng PNP, Armed Forces of the Philippines, at iba pang law enforcement agencies na naka-duty at naka-uniform ang maaaring magdala ng baril.  

Samantala, nauna nang nagpatupad ang Quezon City local government ng liquor ban ngayong Lunes, July 22 mula 12:01 a.m. hanggang 6 p.m. Ito'y para mapanatili ang kaayusan at mabawasan umano ang mga alcohol-related incidents sa SONA. 

KAUGNAY NA ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.