Lalaking nagpoprotesta, arestado matapos umano tamaan ng spray paint, sugatan ang DOJ security guard | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpoprotesta, arestado matapos umano tamaan ng spray paint, sugatan ang DOJ security guard

Lalaking nagpoprotesta, arestado matapos umano tamaan ng spray paint, sugatan ang DOJ security guard

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Inaresto nitong Huwebes ang isang lalaking nagpoprotesta matapos umano tamaan ng spray paint ang isang security guard ng Department of Justice (DOJ), dahilan para masugatan ito. 

Base sa report ng Manila Police District (MPD), sinita umano ng security guard ng DOJ ang 35-anyos na suspek dahil sa pagba-vandal umano niya ng pader ng ahensya sa kalagitnaan ng kanilang rally na inorganisa ng Bayan Southern Tagalog. 

Sabi naman ni PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, positibong kinilala ng security guard ang suspek, dahilan sa pagkakaaresto niya. 

Dinala naman agad sa pagamutan ang security guard. 

ADVERTISEMENT

“Sinita siya. Yun nga, pinukpok niya ito gamit ang spray paint na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng injury,” sabi ni PMaj. Ines. 

“Nasita siya doon dahil hayagan niyang nakita na pinipinturahan ang pader ng DOJ. Nakitang may paglabag doon at bawal naman, kaya mayroon [siyang] reklamong physical injury at vandalism,” dagdag niya. 

Para sa paralegal ng grupo na si Jianred Faustino, ang tumulong sa pag-asikaso sa reklamo laban sa suspek, kailangan pang imbestigahan ang insidente. 

Parte ng SONA caravan ng grupong Bayan Southern Tagalog ang rally na ginanap sa DOJ, ani Faustino. 

“Yung CCTV na nakita natin, may kailangan pang makita, mahimay pa nang mas maayos,” ani Faustino. 

“Noong patapos na ang programa, biglang nagkaroon na lang ng kaguluhan sa likod ng hanay. Kung saan ang sinasabi na may mga nag-spray paint at nakita na lang natin na nagkakagulo na ang security guards at may mga miyembro ng delegasyon na umaawat,” dagdag niya. 

Itinanggi niya na may kinalaman ang suspek sa insidente. Hindi rin umano ito sangkot sa pag-spray paint sa pader ng DOJ. 

“Firm si sir na hindi siya yung sumuntok sa security guard na naagrabyado. So far, mas nag-aalam pa tayo ng impormasyon kasi ang nakita lang talaga sa CCTV, may mga nagba-vandal sa pader tapos may mga lumapit na security guards,” dagdag niya. 

Hindi rin sigurado ang grupo kung sino-sino ang nag-vandalize sa pader ng DOJ. 

“Hindi natin kilala yung mga tao na nakita sa CCTV. Yung organisasyon kasi ng Bayan… isang alyansa na binubuo ng mga organisasyon. Kaya ngayon, inaalam pa natin ang mga organisasyon kabilang ang mga nasabing tao,” aniya. 

Tumanggi nang humarap sa media ang security guard ng DOJ. 

Wala pang pahayag ang DOJ sa insidente. 

Nakakulong sa Ermita Police Station ang suspek, na nahaharap sa reklamong may kinalaman sa physical injury at vandalism. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.