Lalaki nag-amok sa Taguig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nag-amok sa Taguig
Lalaki nag-amok sa Taguig
Rumesponde ang taga-barangay nang mag-amok ang isang lalaki sa Barangay Cembo sa Taguig nitong Miyerkoles.

Sabi ni Kagawad Edward Ordoño na unang rumesponde sa insidente, bandang ala-1 ng madaling araw nang biglang lumabas ng kanilang bahay ang tatlong menor de edad.

Kita sa CCTV ng barangay ang biglang paghabol ng lalaki ang kanyang 3 anak palabas ng kanilang bahay habang siya ay nakahubad.

Ayon kay Ordoño, balot umano na sa gasolina ang katawan ng lalaki para sa tangkang silaban ang kanyang sarili at kanilang bahay. Dumiretso ang tatlong bata na may mga edad 16, 13, at 12 sa barangay outpost para humingi ng saklolo.

“May hawak na panaksak. So coordinate kami kaagad sa police, dumating naman kaagad,” sabi ni Ordoño.

Sabi ni Lorna Bustamante Velancio, Violence Against Women and Children (VAWC) Officer ng Barangay Cembo, sinubukan pa umanong patulugin ng lalaki ang kanyang mga anak.

Nang subukan umanong yakapin ng lalaki ang mga anak kaya dito na sila tumakbo.

“Nagsabi sila na ang kama nila may sunog kasi nagsunog na siya. May nag-report sa kanila (kapitbahay) na amoy gasolina,” sabi ni Velancio.

Nang rumesponde ang mga pulis at taga-barangay kasama ang kaanak ng lalaki, nadatnan nila sa bahay ang lalaki, ang kanyang kapatid at ina.

“Pumasok kami, nakita namin hawak-hawak pa niya ang nanay niya. Buti na lang andoon ang isang kapatid, kinumbinse niya. Kinausap namin nang maayos pero sa una parang… alam naman natin pag nasa impluwensya ng – iba ang galaw,” dagdag Ordoño.

Ayon sa barangay umabot, hanggang alas-9 ng umaga ang negosasyon hanggang sa sumuko ang lalaki.

Sabi ni Ordoño, problema umano sa pamilya at posibleng impluwensya ng ilegal na droga ang dahilan kung bakit nag-amok ang lalaki. Isang buwan na umanong hiwalay ang lalaki sa kanyang asawa.

“Mararamdaman mo sa kanya na saklob siya ng sandamukal na problema. Pagdating namin (sa bahay) amoy na amoy ang gasolina. Ang pulis nagpahanda ng bumbero at rescue,” dagdag niya.

“Pagdating ng nanay, nag-desisyon na sila na ipapakulong ang lalaki. Ilang beses na ginagawa sa nanay niya, paulit-ulit (abuso),” dagdag niya.

Nasa kustodiya na ng Taguig Police Station ang lalaki na posibleng maharap sa reklamong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law.

Pinuntahan ng ABS-CBN News ang bahay ng lalaki pero walang sumasagot alinman sa kanyang ina o mga anak.