Lalaki nainis sa kinakasama, sinunog ang kanilang bahay sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nainis sa kinakasama, sinunog ang kanilang bahay sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News,
Mina Trinidad
Published Jul 16, 2024 02:06 PM PHT
|
Updated Jul 17, 2024 10:10 AM PHT

Dahil sa hindi pagkakaunawaan, sinunog ng 47-anyos na lalaki ang kanilang tahanan sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya noong Linggo.

Nagtalo ang lalaki at kanyang kinakasama dahil sa gustong ilipat ang mga labi ng namatay na lola ng suspek sa probinsya ng Pangasinan.

Sa kaniyang galit, bumili ng sigarilyo ang suspek sa kapitbahay at hindi ibinalik ang posporo nito, na posible umanong ginamit upang silaban ang kaniyang sariling bahay sa Barangay Lamo.

Bagamat agad na nakapagresponde ang mga bumbero sa insidente, hindi na nila nagawang apulain ang apoy dahil mabilis itong kumalat sa dingding na yari sa sawali.

Agad na tumakas ang suspek subalit natagpuan itong natutulog sa kakahuyan ng nasabing barangay. Sasampahan ng kasong arson ang suspek.

IBA PANG ULAT:
IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT