Dumadaming kidney disease cases sa Pilipinas 'nakaaalarma' na: NKTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dumadaming kidney disease cases sa Pilipinas 'nakaaalarma' na: NKTI

Dumadaming kidney disease cases sa Pilipinas 'nakaaalarma' na: NKTI

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Kasabay ng National Kidney Month, inihayag ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na tumaas ng 42 percent ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bato o chronic kidney disease sa Pilipinas. 

Ayon kay Dr. Romina Danguilan, Deputy Executive Director for Medical Services ng NKTI, 60,000 na ang bilang ng mga nagpapa-dialysis na pasyente at nasa 35,000 ang bagong pasyente na naitala noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Danguilan, 17 percent ang itinaas ng bilang ng in-patient mula taong 2022 na ngayon ay nasa 12,000 na ang bilang. Ang outpatient naman ay nasa  38 percent na ang itinaas mula taong 2022 na ngayon ay nasa 58,000 na. 

Para kay Danguilan, nakakaalarma na ang pagdami ng mga tinatamaan ng sakit sa bato.

ADVERTISEMENT

“It's alarming, it's very high. Dati po 5 years ago 'yung itinataas  lang ng incidents of dialysis patients was only about  30 percent, now it's already 42 percent," aniya.

Ayon pa kay Danguilan, ang mga may sakit na diabetes at hypertension ang nangungunang nagkakaroon ng kidney failure.

TIPS PARA MAKAIWAS SA KIDNEY DISEASE

Payo ng mga doktor, dapat iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng sakit sa bato at dapat din laging i-monitor ang kalusugan sa pamamagitan ng pagpapa-check up sa doktor.

“Mas maganda po yung walang preservatives. Unang-una, detection, ibig sabihin you should go to primary health care for monitoring po ng hypertension at saka diabetes lalo na kung mayroon kayo sa family,” sabi ni Dr. Concesa Cabayanan-Casasola, acting deputy executive director for education, training  and research services ng NKTI.

Sinabi pa ni Danguilan na nagdudulot din ng kidney failure ang matinding init ng panahon kaya kailangan laging uminon ng maraming tubig. 

Sabi ng mga doktor sa NKTI, isa kada oras ang tinatamaan ng kidney failure at kahit bata ay hindi ligtas sa sakit na ito.

“Wala pong pinipling edad ang sakit sa bato, so mayroon po tayong pasyente na kahit pediatric age nagsa-suffer din po from kidney diseases, so ang kailangan po natin ay masusing pagpapatingin sa ating mga doctor upang  gabayan  po o ma-screen tungkol po sa risk factors tungkol po sa pagkakasakit sa bato," sabi ni Dr. Marichel Coronel ng NKTI.

 Sabi ni Danguilan na isa pa sa posibleng dahilan kung bakit marami ang naitatalang kaso ng sakit sa bato ay dahil marami na ang dialysis center sa buong bansa.

Hinihiling na rin ng NKTI sa PhilHealth na itaas ang health package sa dialysis na ngayon ay nasa P2,600 per session.

Bukod sa dialysis, pinapadagdagan din ng NKTI sa PhilHeath ang iba pang benepisyo gaya ng pambili ng gamot at ang kidney transplant na umaabot sa P600,000.

Hinihikayat ng NKTI ang mga kidney patients na magpa-kidney transplant dahil nasa 95 percent ang survival rate nito kumpara sa dialysis na 80 percent lamang.

Sa NKTI, nasa 350 kada taon ang bilang ng naitalang nagpa-kidney transplant habang sa buong Pilipinas ay 600 kada taon.

SINTOMAS

Pakiusap ng NKTI sa mga may nararamdamang sintomas sa sakit sa bato na hangga't maaga pa ay magpakonsulta na agad sa doktor.

“Kapag stage 5 na po kailangan ng mag-dialysis so kapag nakuha po namin 'yung patient ng stage 1 to stage 4  mayroon pa silang hope... That’s why we want to see the patient as early as possible  para  maumpisahan na ang mga gamot na yun," ani Danguilan. 

Dahil sa mabilis na pagdami ng dialysis patients, nasa plano na ng NKTI na magpatayo pa ng bagong gusali na may kapasidad ng 200 hemodialysis machine. 

Sa buong mundo, 800 million tao na ang tinamaan ng chronic kidney disease kung saan 3.1 million na ang namatay na may kaugnayan sa sakit sa bato.


KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.