Ilegal na ospital para umano sa POGO workers nadiskubre sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilegal na ospital para umano sa POGO workers nadiskubre sa Pasay

MAYNILA — Sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Lunes ang isang ospital na ilegal umanong nag-ooperate sa Pasay City.

Ayon sa PAOCC, nag-ooperate ang ospital na walang lisensya mula sa Department of Health.

Dalawang Vietnamese national at isang Chinese national na doktor ang inaresto. Naaresto din ang isang Vietnamese na nurse at Chinese na pharmacist.

Wala umanong naipakitang license to practice as foreign professionals mula sa Professional Regulation Commission (PRC) ang mga ito, ayon kay PAOCC Executive Director Gilberto Cruz.

ADVERTISEMENT
Dagdag ni Cruz, may nag-report umano sa kanila patungkol sa ospital na posibleng gumagamot sa POGO workers.

Kumpleto sa gamit ang ospital tulad ng pangsuri ng dugo at CT scan. Meron din umano itong operating room at pang-check ng ngipin.

“Malaki paniniwala ko na kine-cater nila rito mga POGO workers since kung mapasok mo 'yung loob nung clinic o nung hospital, makikita mo puro foreign characters ang nakasulat. So kung Pilipino ka di mo malalaman 'yun,” ani Cruz.

Ikinabahala ng PAOCC ang nadiskubreng iligal na ospital.

“Actually 'yun ang isang rason bakit namin iniimbestigahan ito kasi nga may mga torture victims o nagkaroon ng injuries na mga POGO workers na walang record sa hospital. But ang sinasabi ng mga victims na iyon, they were taken dun sa isang hospital at ginamot sila. Most likely ito 'yun," aniya.

Kasama ng PAOCC ang Bureau of Immigration (BI) sa operasyon at nasa kustodiya na nila ang mga dayuhan.

Bukod sa mga paglabag sa immigration law, kasong paglabag sa Hospital Licensure Act, Philippine Pharmacy Act, Philippine Medical Act, at Philippine Nursing Profession Act ang kakaharapin ng mga naarestong dayuhan.