Silang mayor, kapatid sinuspinde ng Ombudsman | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Silang mayor, kapatid sinuspinde ng Ombudsman

Nanumpa si Silang, Cavite Vice Mayor Edward Carranza bilang acting mayor matapos suspendihin ng Ombudsman nang 6 na buwan si Mayor Alston Kevin Anarna. Dennis Datu, ABS-CBN News

May acting mayor ang Silang, Cavite matapos suspendihin ng Ombudsman si Mayor Alston Kevin Anarna.

Nanumpa nitong Huwebes si Vice Mayor Edward Carranza bilang acting mayor habang ang first councilor na si Mark Anthony Toledo ang tatayong acting vice mayor.

“Ang challenge ho sa atin is dapat ang taumbayan maging priority sa ating pagtatrabaho at more services to be delivered sa mga tao kagaya ng ating ginagawa for the past 38 years na pagsisilbi sa taumbayan,” sabi ni Carranza na isang retiradong police general.

Kasama sa sinuspinde ng Ombudsman ang kapatid ni Mayor Anarna na si Nathaniel Anarna Jr., chairperson ng Bids & Awards Committee.

ADVERTISEMENT
Matapos na maisilbi ng DILG ang suspension order sa magkapatid na Anarna kanina, agad nang nanumpa sa tungkulin sina Carranza at Toledo.

Sa inilabas na desisyon ni Ombudsman Samuel Martires noong April 12, 2024, nakitaan ng sapat na batayan para patawanan ng anim na buwan na suspensyon si Mayor Anarna at kapatid niya sa mga isinampang reklamo na grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng private citizen na si Edgardo Arenco Bayan dahil sa maanumalya umanong pagbili ng mga bulakak at mga ilaw na ginamit para sa Silagueño Ball na ginanap noong January 28, 2023 para sa kapistahan ng patron ng bayan na si Saint Nuestra Señora de Candelaria.

Sa desisyon ng Ombudsman, nakasaad na paglabag sa Republic Act 9184 or the Government Procurement Reform Act at sa 2016 Revised Implementing Rules and Regulations ang ginawa nina Mayor Anarna dahil nangyari ang pagbili ng mga bulaklak at ilaw 25 araw matapos ang Silangueño Ball.

Sa panayam sa telepono kay Mayor Anarna sinabi niya na nagkakahalaga lamang na P150,000 ang kinukwestyon na biniling mga bulaklak at ilaw.

Tumangging magbigay ng iba pang detalye si Anarna at maglalabas na lamang umano sila ng official statement.