Motorsiklo dumaan sa EDSA Busway, tinangkang tumakas sa enforcers | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Motorsiklo dumaan sa EDSA Busway, tinangkang tumakas sa enforcers

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office na kanselahin ang lisensya ng isang driver ng motorcycle riding-hailing service na dumaan sa EDSA Busway at muntik pang makasaga ng traffic enforcers matapos hindi huminto nang parahin.

Sa report ng MMDA, 8:30 ng umaga nitong Lunes nang ma-flagdown ng MMDA Special Operations Group-Strike Force ang motorsiklo lulan ang pasahero sa northbound ng EDSA-Cubao.

Pero imbes na huminto para mabigyan ng ticket sa pagdaan sa EDSA Busway ay pinaharurot ng driver ang kaniyang motorsiklo.

Sinubukan siyang pigilan ng 3 traffic enforcers pero tila muntik pa silang sagasaan ng driver hanggang sa tuluyan na siyang mapigil.

ADVERTISEMENT
Natiketan ang driver ng motorsiklo ng paglabag sa EDSA Bus Lane policy at reckless driving.

Tiniyak ng MMDA na mas mabigat na parusa ang kahaharapin ng nasabing driver ng motorsiklo.

Plano ng MMDA na magsampa ng patong-patong na criminal charges sa driver ng motorsiklo at ang paghahain ng reklamo sa LTO para makansela ang driver's license nito.

Magsusumite na rin ng report ang MMDA sa motorcycle riding-hailing app na pinapasukan ng driver.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT