8 suspek sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac, kakasuhan na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
8 suspek sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac, kakasuhan na

MAYNILA — Sasampahan na ng kasong human trafficking at serious illegal detention ang walong dayuhang suspek, na karamihan ay Chinese, na nahuli sa isinagawang raid sa isang POGO hub nitong Miyerkoles, sa Bamban, Tarlac.

Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, isinagawa ang joint law enforcement operation sa Zun Yuan Technology Inc compound sa Sitio Pag-asa sa Barangay Anupul pasado 1:30 ng madaling araw.

Aabot sa 383 Pinoy at 275 foreigners - 202 ang Chinese National, 13 Malaysian, 54 Vietnamese, 1 Taiwanese, 2 Indonesian, 2 Rwandan at 1 Kyghyzgtan - ang na-rescue mula sa POGO hub, ayon kay Cruz.

“Sa ngayon tuloy-tuloy pa rin yung pag-search natin, kasi nga we are searching 36 buildings, hindi ordinaryong buildings ito. Talagang malalaking buildings ito and about 10 hectares of land so medyo malaki,” sabi ni Cruz.

ADVERTISEMENT
Tukoy na umano ng PAOCC ang mga biktima at suspek sa pangmamaltrato at patuloy ang paghahanap pa sa iba pang biktima.

Tinanggalan umano ng pasaporte ang mga nagtratrabaho sa POGO hub para hindi makaalis ang mga ito ng bansa.

Ayon kay Cruz, tinatawag na mga “enforcers” ang mga nananakit sa mga biktima. Ang mga “enforcers” umano ang sumisita sa mga trabahante kapag hindi nakaka-quota ang mga ito.

“Either sinasaktan nila ito o kaya talaga dinedeprieve nila ng tulog kinukulong nila sa isang kwarto para mapilitan na magbayad dun sa utang nila o kaya is sumunod sa kagustuhan ng mga enforcers… Ang torture naman kasi na ginagawa it can be done in any rooms na available eh, kasi ang ginagawa naman pamamalo ng baseball bat, pamamalo ng yantok, pamamalo ng kahoy, sometimes there were given water treatment, sometimes sabi nga nila hindi sila pinapatulog, di sila pinapakain,” sabi ni Cruz.

May isang biktima umano na meron pang ebidensya ng torture sa katawan, ayon kay Cruz. Iniimbestigahan na umano ito para matukoy kung sino ang mga gumawa nito para masampahan ng kaukulang kaso.

Nag-ugat ang raid sa POGO hub ng ma-rescue ng komisyon ang isang Vietnamese national at nang tumawag din ang Malaysian Embassy na biktima ang kanilang kababayan ng kaparehond modus operandi. Kaya’t inapplyan ng PAOCC ng Search Warrant ang compound.

Hawak na ng PNP at Inter-Agency Task Force ang 8 suspek at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ilang embahada para alamin ang totoong pagkakakilanlan ng mga suspek at kung may kaso ang mga ito.

“Normally kasi gumagamit sila nung mga fake names, fake identities para kung kakasuhan natin sila, makakaalis pa rin sila dito sa bansa natin kasi nga hindi yung ang totoong pangalan nila. So what we are doing right now is closely coordinating with our counterparts,” sabi ni Cruz.

Nakitaan ng mga paglabag ang POGO hub dahil pinagtratrabaho ang mga biktima ng walang kaukulang dokumento gaya ng passport at working visa.

Susuriin din ng PAOCC ang mga computer sa nakita sa loob ng POGO hub.

“It turned out na sabi nila meron po itong mga love scam, sa loob merong romance scam, cryptocurrency scam, and other scam activities dito po sa POGO hub na ito. And with that we will applying for another search warrant para naman po ma-examine natin yung mga computer data doon po, mga laman ng computers na nandun para po makapagfile naman tayo ng ibang kaso,” sabi ni Cruz.

Inaalam na ng PAOCC kung mayaroon din nagaganap sa prostitusyon sa POGO hub.

Ayon pa kay Cruz, dahil sa mga operasyon ng scam na nadiskubre sa loob, posible aniyang nagiging front na lang ng offshore gaming.

“Puwede po nating sabihing ganun, kukuha sila ng license sasabihin nila offshore gaming yung gagawin nila but actually ang gagawin po nila is puro scamming operations,” dagdag niya.

Patuloy na inaalam ng PAOCC kung may iba pang POGO na nakakabit sa lisensya ng Zun Yuan Technology Inc.

Nakikipag ugnayan na rin ang PAOCC sa Firearms and Explosives Office ng Camp Crame para mga baril na nakuha sa raid na ang ilan nakapangala sa security agency ng kumpanya.

Karamihan sa mga Pinoy na na-rescue, nagtratrabaho bilang security guards, labandera, tiga-luto at tiga linis ng kuwarto sa POGO Hub.