Ilang residente ng Embo barangays, umapelang ibalik sila sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang residente ng Embo barangays, umapelang ibalik sila sa Makati

Ilang residente ng Embo barangays, umapelang ibalik sila sa Makati

ABS-CBN News,

Karen De Guzman

Clipboard


Nagsagawa ng pagkilos ang ilang residente ng EMBO barangays upang ipanawagan ang kanilang saloobin na ibalik sila sa pamamahala ng Makati City nitong Martes ng umaga. 


Ayon sa kanila, wala pa ring konkretong plano ang Taguig government para sa mga benepisyo na natatanggap nila noon sa lungsod ng Makati. 


Ito ang hinaing ni Aiza Manzanillo na problemado ngayon sa mga gastusin ng anak na 3 beses nagda-dialysis sa isang linggo. 


“Lahat po ng pangangailangan naming medikal, lahat po libre sa Makati na hindi po kayang ibigay ng Taguig. Hanggang ngayon po walang bumababa sa mga dialysis patient, ano ba ang plano ninyo sa mga dialysis patient? Dialysis na lang po ang dumudugtong sa buhay nila,” daing ni Manzanillo. 

ADVERTISEMENT


Ganito rin ang sentimiyento ni Chris Bugna na malaki ang panghihinayang sa mga napakinabangang benepisyo. 


“‘Yung tatay ko po dati ay inabot po siya ng isang buwan, P1.3 million doon na-confine sa Ospital ng Makati. Ni singko ang binayad lang po niya is P500. ‘Yun po ay isang malaking kawalan,” sabi ni Bugna.


Naglabas naman ng saloobin si Glenda Jamero sa naging desisyon ng Korte Suprema na ayon sa kanya ay wala man lang naging pag-uusap para sa mga maapektuhang residente. 


“Ang daming umiiyak ngayon sa ginawa niyo. Nananawagan kami sa Supreme Court. Mga sir, tingnan niyo ang ginawa niyo. Sana nagtanong kayo kung gusto namin magpasakop sa bayan ng Taguig na ngayon ay naghihirap na po kami,” ayon kay Jamero. 


Mula Barangay Pinagkaisahan sa Makati, dadaan ang kanilang motorcade sa Makati City hall at magtatapos sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kung saan magkakaroon ng maikling programa. 

ADVERTISEMENT


Magtutuloy anila ang kanilang panawagan para maipaglaban ang kanilang mga karapatan.


Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, may mga programa na silang naibaba para sa mga residente ng Embo barangays simula pa noong nakaraang taon. 


Isa na rito ang pagbubukas ng dialysis center na nagbibigay ng libreng dialysis services, kasama ang libreng dialyzer at erythropoietin (epo), at laboratory services na kailangan bago i-dialysis. 


Mayroon din aniya silang Philhealth and medical assistance para sa mga nangangailangan ng tulong sa gastusin sa ospital at bukas na rin ang satellite pharmacy ng Taguig para sa mga residente ng Embo.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.