Bayan sa Romblon binaha sa bisperas ng Bagong Taon; 70 pamilya apektado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayan sa Romblon binaha sa bisperas ng Bagong Taon; 70 pamilya apektado

Bayan sa Romblon binaha sa bisperas ng Bagong Taon; 70 pamilya apektado

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 31, 2022 05:14 PM PHT

Clipboard

Sinira ng baha ang bahagi ng Dulangan spillway bridge sa Magdiwang, Romblon. Kuha ng Magdiwang MDRRMO
Sinira ng baha ang bahagi ng Dulangan spillway bridge sa Magdiwang, Romblon. Kuha ng Magdiwang MDRRMO

Malaking baha ang bumungad sa mga residente ng bayan ng Magdiwang sa Sibuyan Island, Romblon sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Magdiwang MDRRMO Head Roland Paniagua, rumagasa ang baha kaninang ala-una ng madaling araw sa Barangay Dulangan, Tampayan, Barangay Jao-asan, Barangay Agutay, Barangay Ambulong at Barangay Ipil.

Ani Paniagua, bandang alas-10 ng gabi ay biglang buhos ang napakalakas na ulan hanggang hatinggabi, dahilan para umapaw ang Patuo river at Dulangan river.

Umabot sa higit isang metro ang taas ng baha kung saan nasa 70 pamilya ang inisyal na naapektuhan.

ADVERTISEMENT

Isang magsasaka rin ang nirescue habang nakasabit sa puno matapos na matrap sa baha nang magpunta sa bukid para tingnan ang kaniyang mga alagang hayop.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.