‘Di makakasama ang pamilya’: Ilang OFW sasalubungin ang 2021 sa quarantine facilities | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Di makakasama ang pamilya’: Ilang OFW sasalubungin ang 2021 sa quarantine facilities

‘Di makakasama ang pamilya’: Ilang OFW sasalubungin ang 2021 sa quarantine facilities

ABS-CBN News

Clipboard

Mga OFW na papunta sa quarantine facility. ABS-CBN News

MAYNILA - Halos 1 taong nawalay ang seafarer na si John Lorenz Abacajen sa pamilya.

Galing si Abacajen sa Singapore, isa sa 20 bansang may travel restrictions dahil may kaso ng coronavirus disease (COVID-19) strain.

Ididiretso si Abacajen sa quarantine facility ng dalawang linggo.

Ibig sabihin, hindi niya makakapiling ang kaniyang pamilya sa bagong taon.

ADVERTISEMENT

"Mahirap ‘yung sitwasyon ngayon. New year hindi mo makasama makapiling mahal mo sa buhay mahirap. Nadismaya ako kasi akala ko makakauwi ako," ani Abacajen.

Sa ilalim ng travel restrictions, hindi puwedeng pumasok sa Pilipinas ang foreign passport holders.

Kung Pinoy, dapat manatili sa quarantine facility ng dalawang linggo, kahit negatibo ang resulta ng swab test.

Ang iba, tulad ni Emily na 5 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong, hindi na muna uuwi sa pamilya sa Bulacan lalo na nang malaman kung gaano katagal dapat sa loob ng quarantine facility.

"Two weeks pa tapos bibigay rin ng amo mo two weeks din, so papano maauubos din bakasyon mo sa quarantine so 'yun di ka na lang uuwi, kapag nagpumilit ka, tatanggalin ka ng amo mo hindi ka na makakabalik, ganoon,” ani Mercado.

Nabawasan din ang mga pasaherong dumadaan sa NAIA dahil sa travel restrictions.

Ngayong Disyembre, nasa 474,362 ang bilang ng pasahero -- kumpara sa 4,204,190 sa parehong panahon noong 2019, batay sa nakalap na datos ng Manila International Airport Authority. Nasa 60 porsiyento ang mga apektadong flight.

Pinakaapektado ang mga rutang may mga direct flight gaya ng Singapore, Hong Kong, Japan, at South Korea.

May pagbaba rin sa bilang ng mga nanggagaling sa Middle East dahil sa connection sa Europe.

May libreng rebooking naman ang Cebu Pacific para sa mga naapektuhan ng travel restriction na maaaring gamitin sa loob ng 90 araw.

Waived na rin ang rebooking fee. Puwede ring ilagay sa travel fund o kaya mag-full refund.

Maaari namang i-rebook ng mga pasahero ng Philippine Airlines sa susunod na bakanteng flight matapos ang Enero 15 na restriction period.

Maaari ring i-refund o i-convert ang ticket bilang travel voucher.

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.