Firecracker zones sa Metro Manila, handa na sa pagsalubong ng bagong taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Firecracker zones sa Metro Manila, handa na sa pagsalubong ng bagong taon

ABS-CBN News
Published Dec 31, 2017 08:01 PM PHT

Ipinauubuya na sa mga kapitan ng barangay sa iba't ibang lunsod sa Metro Manila ang pagpili ng mga lugar kung saan papayagan ang paggamit ng firecrackers sa pagsalubong ng bagong taon.

Ang iba naman, minabuting magpatupad ng ban sa anumang paputok.

Sa Brgy. Valencia sa Quezon City, nakatutok ang kapitanang si Anna Millanado sa pag-iikot sa nasasakupang lugar para tiyaking walang gagamit ng firecracker sa kaniyang lugar.

"Ban kami dito kasi wala kaming lugar at mas ligtas pa ito para sa isang masayang pagsalubong sa bagong taon," ani Millanado.

Naiintindihan naman ng mga residente ang naging desisyon ng kapitana.

"Mas mabuti na po iyong ligtas kasi ang paputok madalas lumlikha lang ng disgrasya," ani Nida Sillon, isang kagawad sa barangay.

Sa Brgy. 210, Zone 19 sa Maynila, sa isang covered court itinalaga ang paggamit ng firecrackers.

Sa Makati naman, nakahanda na ang mga ambulansiya para sa pagtugon sa anumang sakuna sa pagsalubong sa 2018.

Klinaro naman ng lungsod ng Makati na hindi lahat ng barangay ay maaaring makapagpaputok sa pagsalubong sa bagong taon.

"Kailangan may fire station sa barangay at may at least 500 meters sa mga kabahayan ang pagpapaputok," paliwanag ni Richie Rodriguez, opisyal ng disaster office ng Makati City Hall.

Bentahan ng paputok, muling sumigla
Unti-unti nang nakakabawi ang mga negosyante ng paputok sa Bocaue, Bulacan mula sa matumal na bentahan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa ilang negosyante, inaalam muna nila kung taga-saan ang mga bumibili lalo't may mga siyudad na may total ban ng fireworks.

Patok pa rin sa mga bumibili ang sawa at kwitis kahit taas-presyo na.

Ang dating P250 na 1,000 rounds ng sawa, nasa P450 na ngayong Linggo. Ang kwitis na P2.50 dati, P5 na.

Karamihan, bumibili lang ng mga pailaw gaya ng lusis na pinahintulutan sa mga bahay.

Ayon sa mga namimili, mahirap na alisin ang tradisyon ng pagpapaputok.

--Ulat nina Abner Mercado at Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT