US, kasama na sa mga bansang may travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variant | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
US, kasama na sa mga bansang may travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variant

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Dec 30, 2020 06:36 PM PHT

MAYNILA - Kasama na ang United States sa mga bansang sakop ng travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat sa bagong variant ng COVID-19, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Roque, epektibo na ang pagsama sa US sa listahan ng mga lugar na may restricted entry.

Hindi naman aniya maituturing na travel ban ito, kundi travel restrictions lang dahil pinapayagan pa rin ang pagdating ng mga Pilipino.

Ang travel restrictions na unang ipinatupad sa United Kingdom, kung saan unang na-detect ang bagong coronavirus variant, at kasunod sa 19 na bansa at teritoryo ay nagbabawal sa mga banyagang makapasok sa bansa hanggang Enero 15, 2021.

Una nang sinabi ni Health Sec Francisco Duque sa isang media forum na isasama pansamantala ang US sa mga may travel restrictions habang pinagaaralan pa ng gobyerno ang bagong variant ng COVID-19.

Nitong araw lang ay ibinalitang may kaso na rin ng bagong coronavirus variant sa Estados Unidos.

Samantala, ipinauubaya na ng Malacañang sa DOH at DFA ang paglalabas ng guidelines hinggil sa pagkakasama sa US sa mga lugar na may restricted entry.

RELATED VIDEO
Read More:
United States
travel restrictions
new coronavirus strain
new COVID-19 strain
US travel restrictions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT