PatrolPH

Nasa 50 bahay, sumiklab sa Quezon City; 100 pamilya apektado

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2020 04:39 AM | Updated as of Dec 30 2020 07:48 PM

MAYNILA - Hindi bababa sa 50 bahay ang nasunog sa Purok 2 sa Barangay Culiat sa Quezon City nitong Martes. 

Ayon kay SFO Fidel Natiggi, naunang nai-report sa Bureau of Fire Protection ang sunog bandang alas 8:27 ng gabi. 

Nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay. Dahil gawa ito sa light materials, agad kumalat ang apoy sa katabing mga bahay. 

Ilang minuto lang din ay naiakyat sa ikalimang alarma ang sunog bandang alas 9 ng gabi. 

Ang mga residente, nahirapan na pagsalba ng mga gamit dahil sa biglaang paglaki ng sunog. 

Watch more on iWantTFC
Kuha ni SFO Fidel Natiggi

Marami nang tauhan ng Bureau of Fire Protection ang rumesponde at tinulungan din ng fire volunteers mula sa iba’t ibang mga barangay.

Tinatayang nasa 100 pamilya ang naapektuhan. 

Wala naman naitalang namatay o nasugatan sa sunog na nedeklarang fire out bandang 10:05 ng gabi. 

Hanggang ngayon ay inaalam pa ng BFP ang pinagmulan nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.