PatrolPH

Magkatabing bodega sa Marilao, Bulacan sumiklab

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2020 05:43 AM | Updated as of Dec 30 2020 07:28 AM

Watch more on iWantTFC

BULACAN (UPDATE) - Natupok ang 2 magkatabing bodega sa isang compound sa Barangay Prenza 1, Marilao, Bulacan Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon kay Fire Senior Insp. Jackielou Calayag ng Bureau of Fire Protection - Marilao, sumiklab ang sunog sa isa sa mga bodega sa compound. Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog nang kumalat ito sa isa pang katabing bodega.

Idineklarang fire under control ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Nagtamo ng first degree burn ang isa sa mga empleyado ng compound na agad naman nalapatan ng paunang lunas.

Ayon kay Marilao Mayor Ricardo Silvestre, ang isa sa mga nasunog na bodega ay may lamang delivery items mula sa isang online shopping app, habang ang isa naman ay may laman na iba't ibang gamit tulad ng mga bota.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng napinsala sa sunog at maging ang posibleng pinagmulan ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.