Magat Dam malapit na sa spilling level

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 01:15 PM

Malapit na umano sa spilling level ang Magat Dam sa lalawigan ng Isabela. 

Alas-10 ng umaga ng Sabado, nasa 192.51 meters na ang water level ng dam, o 0.49 meters na lang ang kulang bago umabot sa spilling level na 193 meters.

Ang pagtaas ng lebel ng tubig ay dulot ng mga pag-ulan sa watershed areas na dala ng amihang nakakaapekto sa Cagayan Valley. 

Inabisuhan na ng National Irrigation Administration ang publiko, partikular na 'yung mga nasa mabababang lugar malapit sa Magat River, sa posibleng pagbaha kapag nagpakawala ng tubig mula sa dam. -- Ulat ni Danielle Rebollos, ABS-CBN News at DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.