DOH: Paghihigpit sa mga biyahero galing China, hindi pa kailangan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH: Paghihigpit sa mga biyahero galing China, hindi pa kailangan

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Dec 29, 2022 06:32 PM PHT

Hindi pa kinakailangang maghigpit ang Pilipinas sa mga papasok dito mula China, kahit sumipa na ang bilang ng mga malalang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kompiyansa ang ahensiya na sapat pa ang kasalukuyang protocols sa Pilipinas, para maiwasang sumipa rin ang bilang ng COVID patients dito na may malalang sintomas.

Maigting aniya ang surveillance at monitoring ng DOH sa mga kaso ng COVID kabilang na ang variants at subvariants nito.

Required ding magpakita ng negative COVID test result ang mga biyahero mula ibang bansa na hindi kumpleto ang bakuna kontra COVID.

Dagdag pa ni Vergeire, maraming Pilipino ang may kumpletong bakuna na laban sa COVID, at patuloy na nagsusuot ng face mask, kahit nagluwag na ang polisiya kaugnay nito.

“Sa ngayon, base sa pananaw ng Department of Health, kasama ng aming mga eksperto, hindi pa tayo napapanahon, o wala tayong nakikitang pangangailangan para magsara tayo ng borders specific to this country, o 'di kaya ay magkaroon ng mas maigting na restrictions para sa bansang ito,” aniya.

“Nakita natin ang ibang bansa na pumutok ang kanilang mga kaso, libo-libo, hundreds of thousands, pero hindi naman natin sila sinarhan ng border. Hindi natin sinabing, “oh kayo, ‘pag dumating kayo, mayroon kayo dapat specific na restriction, dahil marami kayong kaso” so hindi natin gagawin ‘yun."

"Ang gusto natin, mas makapagbukas tayo, pero syempre andyan pa rin ang strengthened surveillance natin... at saka kailangan, ‘pag pumasok dito, ay mayroon silang e-arrival card. Alam natin ‘yung kanilang pinanggalingan, at kung ano ‘yung vaccination status nila,” dagdag ni Vergeire.

“Mayroon pa rin tayong requirement na antigen test ‘pag sila ay hindi bakunado kapag pumasok sa ating bansa. So that alone, sa tingin natin, kumpiyansa pa rin tayo sa ngayon, that we can adequately guard our borders through these kinds of policies that we have in the country,” ayon pa sa opisyal.

Nauna nang inirekomenda ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dapat maging mas maingat ang Pilipinas sa mga biyaherong papasok mula China, at talakayin ng IATF ang mga posibleng paghihigpit sa travel requirements para sa kanila.

Ito'y matapos i-anunsyo ng ilang bansa tulad ng Japan at United States na ire-require nila ang negative COVID test sa lahat ng papasok sa kanilang bansa mula mainland China.

Ayon kay Vergeire, kailangan dumaan at aprubahan muna ng IATF ang naturang panukala.

“It doesn’t follow that if… some countries… would be closing their border or imposing stricter regulations for China, that we should follow. It is the direction of this administration that as much as possible, restriction should be at minimal, where we don’t compromise health, but we also favor the opening up of the economy,” sabi ni Vergeire.

Ang Bureau of Immigration naman, nagpahayag ng kahandaan, sakaling magdesisyon ang IATF na baguhin ang travel protocols.

“We take the cue from the Department of Health and the IATF on implementing travel restrictions. So far po, wala pa tayong nakukuhang direktiba about it. But ready naman po tayo to implement that anytime, should makita po nila na kinakailangan po na mag-implement ng changes sa border policies na related sa COVID response,” sabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval.

Kaugnay na balita:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT