Mga bumisita ng Pilipinas ngayong holiday season dumoble | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bumisita ng Pilipinas ngayong holiday season dumoble

Anna Cerezo,
ABS-CBN News
Published Dec 29, 2021 06:35 AM PHT

MAYNILA—Dumoble ang mga bumisita ng Pilipinas nitong Disyembre kung ikukumpara noong 2020.

Base sa tala ng Bureau of Immigration, nasa 141,216 na Pinoy na karamihan ay mga OFW ang bumalik sa bansa nitong buwan.

May 12,455 naman na Amerikanong inbound passengers, 2,805 na Canadian, at 1,645 na Japanese ang mga bumisita.

Ayon sa Bureau of Immigration Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, dumoble rin ang bumisita sa bansa niong December 24 at 25 kumpara noong 2020.

ADVERTISEMENT
Umakyat umano sa 11,074 arrivals ngayon mula sa 5,478 arrivals noong nakaraang taon.

Samantala, sabi ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, umabot naman ng 117,795 ang mga Pinoy na umalis ng bansa nitong Disyembre.

Dagdag ni Morente na aakyat pa sa 20,000 hanggang 50,000 ang mga mag-iibang banda bago matapos ang taon.

Ayon sa dalawang opisyal, malayo ang mga natalang pumupunta at umaalis sa bansa kung ikukumpara nang bago mag-pandemya.

Dahil raw ito sa sa travel at quarantine restrictions na ipinapatupad sa iba’t ibang lugar na kadalasan ay dahil omicron coronavirus variant.

Gayunpaman inaasahan ng Bureau of Immigration na aakyat pa ang bilang sa darating na taon dahil sa pagdami ng mga bakunado.