MAYNILA - Inaayos pa ang mga detalye pero papayagan na ang pagpasok ng mga banyagang turista sa bansa matapos aprubahan ang rekomendasyon ng IATF na papasukin ang foreign traveler mula sa mga green list o "low-risk" countries.
Bahagi umano ito ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.
"So finally puwede na tayong mag-accept ng mga turista galing sa green list, kasama dito ang Japan, Taiwan, Hong Kong. So ito ay pag-uusapan this afternoon, 'yung mga details. Pero aside from balikbayans, papayagan na ang mga foreign tourists, I hope sooner or later, payagan na," ani DOT Undersecretary Bernadette Romulo Puyat.
null
Ibig sabihin, maaari nang pumasok ang mga turistang galing sa mga sumusunod na bansa, na nasa green list:
- American Samoa
- Bhutan
- Chad
- China (Mainland)
- Comoros
- Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
- Falkland Islands (Malvinas)
- Federated States of Micronesia
- Guinea
- Guinea-Bissau
- Hong Kong (Special Administrative Region of China)
- India
- Indonesia
- Japan
- Kosovo
- Kuwait
- Kyrgyzstan
- Malawi
- Mali
- Marshall Islands
- Montserrat
- Morocco
- Namibia
- Niger
- Northern Mariana Islands
- Oman
- Pakistan
- Palau
- Paraguay
- Rwanda
- Saint Barthelemy
- Saint Pierre and Miquelon
- Saudi Arabia
- Senegal
- Sierra Leone
- Sint Eustatius
- South Africa
- Sudan
- Taiwan
- Togo
- Uganda
- United Arab Emirates
- Zambia
- Zimbabwe
"Malaking bagay po para sa ating economic growth and development and the rebound of our economy ang tourism sector. At dahil green list naman po iyan, ibig sabihin nasa green list sila dahil mataas ang vaccination rate po nila doon sa green list country. Tayo rin naman po tumataas ang vaccination rate natin dito sa bansang Pilipinas, bumababa na rin po iyong mga na-infect ng COVID," ani Malacañang acting spokesperson Karlo Nograles.
Pero nilinaw naman ni Nograles na pinaplantsa pa ang rekomendasyon para rito.
Paiikliin naman mula Nobyembre 22 ang quarantine period ng mga galing sa yellow at green list na bansa.
null
Mula Nobyembre 22, hindi na kailangang sumailalim sa facility-based quarantine o magpa-swab test pagdating sa Pilipinas ang mga galing sa green list countries.
Dapat mayroon lang silang negative RT-PCR test result na kinuhanan ng hindi lalagpas sa 72 oras bago sila lumipad mula sa bansang pinanggagalingan.
Kung wala namang swab test na maipakita pagdating ng bansa, kailangan nilang mag-facility-based quarantine at mag-RT PCR test na kinuhanan paglapag sa Pilipinas.
Para naman sa mga yellow list country, puwede nang makauwi sa facility-based quarantine oras na lumabas ang negatibong RT-PCR test result na kinuhanan sa ika-3 araw ng quarantine.
Dapat ding nakapagpresenta sila ng negatibong RT-PCR test result na kinuha 72 oras bago lumipad papuntang Pilipinas.
Pero kailangan pa ring sumailalim sa self-monitoring nang hanggang 2 linggo pagdating sa bahay.
Kung hindi naman fully-vaccinated ay dapat maghintay hanggang lumabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test sa ika-7 araw ng kanilang quarantine.
Samantala, bawal pa ring pumasok sa bansa ang mga pasahero na manggagaling sa red list countries maliban na lang sa mga Pinoy na manggagaling sa repatriation at bayanihan flights.
Pero kailangan pa rin nilang sumailalim sa 10 araw na quarantine at mag-RT PCR testing sa ika-7 araw ng kanilang pagdating.
-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.