PatrolPH

Mag-asawang matanda patay sa sunog sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2021 06:29 PM

Mula kay Rafael Paeng Valencia
Mula kay Rafael Paeng Valencia

BAGUIO CITY—Patay ang mag-asawang matanda makaraang makulong sa bahay na nasunog sa P. Burgos, Baguio City Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang mag-asawa na sina Juan at Lolita Velasco, parehong 94 anyos.

Iniulat ang sunog bandang alas-5 ng madaling-araw at idineklarang fire out alas-8 ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Baguio City, walang kasama sa bahay ang mag-asawa. Hindi pa rin tiyak kung ano ang dahilan ng sunog.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

—Ulat ni Mae Cornes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.