Halos 6,500 magsasaka binigyan ng lupa sa North Cotabato | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 6,500 magsasaka binigyan ng lupa sa North Cotabato

Arianne Apatan,
ABS-CBN News
Published Dec 29, 2018 08:20 PM PHT
|
Updated Jan 04, 2019 01:46 PM PHT

Sa unang pagkakataon, 6,424 na mga magsasaka mula sa 18 bayan sa North Cotabato ang nakatanggap ng lupa mula sa gobyerno nitong Sabado.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamimigay ng certificate of land ownership award (CLOA) sa isang seremonya, kung saan mahigit 11,000 ektarya ang ipinamahagi.

"Ang pinakamalaking CLOA distribution na mangyayari sa kasaysayan ng ating pamimigay ng lupa. 11,443 hectares at more than 6,400 agrarian reform beneficiaries," ani Agrarian Reform Sec. John Castriciones.

Malaking bagay sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng titulo sa lupa lalo pa’t isa ang away sa lupa sa mga pangunahing dahilan ng pamamaril at kaguluhan sa North Cotabato.

ADVERTISEMENT
"Sinabi ko na noon at sasabihin ko ngayon itong gyera na 'to ang kapital dito blood and life. At sinabi ko noon hanggang walang lupa ang tao . . . walang katapusan ang giyera," sabi ni Duterte.

Samantala, sa kaniyang talumpati, hindi rin napigilan ng Pangulo na magpatutsada kay Communist Party of the Philippines founder Jose Ma. Sison.

“Bakit kayo makinig sa komunista? Bakit kaya makinig kay Sison? Ang alam niya alam ko at kung sinasabi niya inferior ako, p*****-i** mo! Kung mas mabuti ka sa akin, ikaw ang presidente ngayon," aniya.

Matapos ang kaniyang mensahe, agad na ring umalis ang Pangulo at lumipad papuntang Davao City para naman sa paggunita ng Rizal Day ngayong Linggo.