Lalaking nag-bomb joke sa bus sa Davao City tiklo, nahulihan ng droga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nag-bomb joke sa bus sa Davao City tiklo, nahulihan ng droga

ABS-CBN News
Published Dec 28, 2022 01:56 PM PHT

Arestado ang isang 22 anyos na lalaking si alyas "Palm" matapos umanong nagbiro na mayroong bomba sa Barangay Binugao, Toril, Davao City noong Lunes.

Ayon sa pulisya, sakay ng bus ang lalaki na papunta sa Davao City proper nang bigla umanong sumigaw ito ng: "Naay bomba, nakaplanta na, mangamatay mong tanan (mayroong bomba, nakaplanta na, mamamatay kayong lahat)."

Naghatid umano ito ng takot sa mga pasahero at driver ng bus kaya agad itong isinumbong sa mga awtoridad.

Nahuli ang lalaki ng mga pulis at sundalo sa Task Force Davao boundary checkpoint sa Toril.
Nahuli ang lalaki ng mga pulis at sundalo sa Task Force Davao boundary checkpoint sa Toril.
ADVERTISEMENT
Habang ininspeksyon ang hinuling lalaki, nakuhanan din ito ng isang pakete na may lamang shabu, ayon sa report ng pulisya.

Haharap ang inarestong lalaki sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act at Presidential Decree 1727 na nagbabawal sa pagpapakalat ng bomb threat.

— Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT