Buntis na tinanggihan umano ng ospital dahil walang pang-downpayment, napaanak sa bus sa Davao del Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buntis na tinanggihan umano ng ospital dahil walang pang-downpayment, napaanak sa bus sa Davao del Sur

Buntis na tinanggihan umano ng ospital dahil walang pang-downpayment, napaanak sa bus sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa PCADG Davao region
Larawan mula sa PCADG Davao region

Sa bus na lang nanganak ang isang buntis matapos siyang tanggihan umano ng isang ospital sa Davao Del Sur dahil walang pang-downpayment.

Ligtas na nailuwal ng ginang ang isang babaeng sanggol sa loob ng Mindanao star passenger bus sa Kinuskusan, bayan ng Bansalan nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Police Community Affairs and Development Group XI, naabutan ng tauhan ng 2nd Davao del Sur Provincial Mobile Force Company (DSPMFC) na si Police Cpl. Roy Rojaz at Sgt. Edclaier Sotela ng 39 Infantry Batallion Philippine Army ang panganganak ng 23 taong gulang na si Grace Bulaw Cudog.

Tinugunan ng mga pulis at sundalo ang paghingi ng tulong ng konduktor at driver ng bus sa panganganak ng buntis.

ADVERTISEMENT

Isinakay din nila ang ginang at sanggol sa police patrol car at agad na dinala sa Makilala Hospital sa Makilala, Cotabato upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensiyon.

Napag-alaman naman mula sa kinakasama nitong si Jemar Muting na nauna na silang pumunta sa isang ospital ngunit tinanggihan umano sila nito dahil sa kawalan ng pang-downpayment kaya sila ay nagpasyang umuwi pero naabutan na si Grace ng panganganak sa bus.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.