Pagawaan ng pekeng pera sa Sampaloc sinalakay, 3 arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagawaan ng pekeng pera sa Sampaloc sinalakay, 3 arestado

ABS-CBN News
Published Dec 28, 2020 08:22 PM PHT

MAYNILA – Tatlo ang arestado nang salakayin ang isang bahay sa Sampaloc na gumagawa umano ng mga pekeng pera.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng pulisya, ilang taga-Bangko Sentral ng Pilipinas, at pati ni Manila Mayor Isko Moreno ang naturang bahay, kung saan inabutan ang tatlong suspek.

Agad nakita ang mga pekeng pera na tig-P100, P200, P500, at P1,000. Nakuha rin ang iba’t ibang pekeng dokumento tulad ng passport at mga titulo.

Kinumpiska rin ang mga computer at printer na gamit sa paggawa ng mga suspek.

ADVERTISEMENT
"Mayroon rin silang mga marking na kung saan kapag naloko na nila 'yung isang establisimyento, hindi na nila binabalikan. This is composed of a syndicate talaga," ani Police Maj. Rosalino Ibay ng Manila Police District.

Ang suspek na si Paulo Guevara, dati nang naaresto sa Recto dahil rin sa pamemeke.

Ayon sa mga pulis, kaya umanong umubos ng 100 pirasong tig-P1,000 ng mga suspek, at naibebenta sa halagang P5,000.

Panawagan ng mga taga-BSP, maging mapanuri dahil karaniwang lumalaganap ang mga counterfeit money tuwing holiday season.

"Tignan niyong maigi 'yung papel kung malabo, hawakan niyo. Ang mga peke, ordinaryong papel lang yan, pikit niyo mga mata niyo parang bond paper lang yan. Hawakan mong maigi, wala kang masasalat eh," ani Mark Fajardo ng BSP Investigation Division.

Bukod sa mga reklamong pamemeke, sasampahan rin ng possession of illegal drugs ang mga suspek matapos raw makuhanan ng marijuana, hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

–Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT